Thursday , June 4 2026

Bagong Wansapanataym Special, tinutukan!

ni  Maricris Valdez Nicasio

MALAKAS talaga ang hatak nina Sharlene San Pedro at Jairus Aquino kaya hindi nakapagtatakang tinutukan din sila sa Wansapanataym na sila ang tampok dito.

Idagdag pa si Francis Magundayao na marami ring follower. Kaya naman wagi sa TV ratings ang pagsisimula ng Wansapanataym nila na ukol sa pagkakaibigan at magkapatid.

Sa datos ng Kantar Media noong Sabado (Marso 1), pumangalawa sa listahan ng most watched weekend TV programs sa bansa ang pilot episode ng Wansapanataym Presents Si Lulu at Si Lily Liit taglay ang 30.7% na national TV rating, o mahigit doble ng nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na Vampire Ang Daddy Ko (15%).

At sa pagpapatuloy ng Wansapanataym ngayong Sabado (Marso 8), mapapanood na sina Sharlene, Jairus, at Francis dahil magdadalaga na ang kambal na sina Lulu at Lily (kapwa gagampanan ni Sharlene) at magbibinata na ang magkapatid na sina Harvey (Jairus) at Adrian (Francis).

Mababago ba ang samahan ng kambal dahil sa pagseselos ni Lulu sa atensiyon na ibinibigay ng kanyang mga magulang kay Lily? Paano maaapektuhan ng kalagayan ni Lily ang pakikipagkaibigan ni Lulu kay Adrian at sa kanyang hinahangaan na si Harvey? Tuluyan na bang masisira ang relasyon ng magkapatid dahil sa sumpang ibinigay kay Lily?

Panoorin natin ngayong Sabado para malaman ang mga kasagutan. Tampok din dito sina Paul Salas, Assunta de Rossi, Ron Morales, John Lapus, Desiree del Valle, John Medina, JB Agustin, Vladimir Galang, at Kazumi Porquez. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at idinirehe ni Manny Palo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …