ni ALEX DATU
Honesto, pinagkakaguluhan na raw ‘pag nasa mall
DAHIL ‘honesty’ ang pinag-uusapan sa finale presscon ng Honesto na ilang araw na lamang ang itatakbo sa ere, naging honest ang sagot ng tatlong cast na sina Cristine Reyes, Paulo Avelino, at ang “boy wonder” na si Raikko Matteo aka Honesto.
Kahit ‘opo’ ang madalas isagot ni Raikko ay nakaaaliw siya but in fairness, mayroon siyang mahabang sagot sa tanong kung kumusta na siya ngayong napapanood na gabi-gabi sa telebisyon.
Aniya, ” Opo, pinagkakaguluhan po ako kapag pumupunta po kami sa mall. Maraming nagpapa-picture sa akin.”
Tinanong din ito tungkol sa kung may naiipon siya mula sa kanyang TF, kung mayroong ipinabili sa kanyang mga magulang?
“Wala po. Nasa nanay ko po ang pera, siya po ang nagtatago.”
Honesto , Nagre-rate man, tatapusin na
AS we have said, ilang araw na lang at magwawakas na ang Honesto na kahit nagre-rate ay kailangan nang magpaalam dahil maraming show pa ang ipalalabas. Akala kasi ng iba ay matutulad ito sa May Bukas Pa na inabot ng halos isang taon.
Ayon sa spokesman ng Dreamscape Entertainment, Kapamilya means business kaya talagang kailangang mamaalam ang Honesto to give way sa mga naka-line up na shows. Marami pa kasi silang show na naka-line-up at nai-taping na.
Pero hindi dapat malungkot ang mga fan ni Honesto dahil mayroon silang apat na linggo na mapapanood siya sa Once Upon A Time at may isa pang project na niluluto para sa kanya angABS-CBN at Dreamscape.