Saturday , November 23 2024

Empleyada patay sa payroll hold-up (P1.5-M natangay)

PATAY ang empleyada ng isang kompanya nang pagbabarilin ng apat lalaking lulan ng dalawang motorsiklo ang sinasak-yan niyang SUV maka-raang manggaling sa banko sa Brgy. Sta. Cruz, bayan ng Guiguinto, Bulacan.

Isinugod sa Bulacan Polymedic Hospital ang biktimang si Evelinda Tamares, 52, residente ng Brgy. Bunlo, sa bayan ng Bocaue, sa lalawigang ito, ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-withdraw ng P1.5 milyon ang biktima upang ipangsweldo sa mga empleyado ng kanilang kompanya nang sundan ng dalawang motorsiklo ang kanyang sasakyan.

Bunsod nito, pinabilis ng biktima ang pagpa-patakbo ng kanyang sa-sakyan ngunit pinagbabaril siya ng mga suspek.

Pagkaraan ay mabilis na kinuha ng mga suspek ang paper bag na naglalaman ng pera sa tabi ng biktima sa loob ng sasak-yan at saka mabilis na tumakas.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *