Thursday , June 4 2026

Karayom (Tagos sa Puso at Utak) (Ika-7 labas)

KANYA-KANYA SILANG DALA NG PAGKAIN AT SALO-SALO SILANG KUMAKAIN KASAMA ANG MGA PASYENTE

“Nag-ala-reporter ako kaninang wala ka pa.  At napag-alaman ko, sa pasahe’y kanya-kanya silang dukot sa bulsa… Sa pagkain, kanya-kanyang dala. Kung minsan, nagbibitbit  daw ng pagkain o kakanin  ang mga pasyente. O kaya, galing sa mga kaibigan na sumisilip dito.   Saka mayroon din daw nagkukusang-loob maglagak ng kahit barya-barya sa kanilang donation box,” paglilinaw ni Gary sa mga katanungan ni Jonas.

“Ganu’n ba’ng buhay nila rito? Aba’y binabaril sa Luneta ang taong nagpapakadakila, a!” tawa niya.

“Sabi ni Ka Lito, malaking kaligaya-han na raw para sa kanilang grupo  ang makapaglingkod sa mga common-tao. At sa tingin ko, isang paraan ‘yun ng pag-aalay nila ng malasakit at pag-ibig sa kapwa,” ang nasabi ni Gary ukol sa pagseserbisyo ng mga acupuncturist na nakabase sa Bantayog.

“Sino naman si Ka Lito?” usisa niya.

“S’ya ‘yung sinasabi kong kapitbahay namin na pinuntahan natin dito para mainterbyu mo.  Dati s’yang tserman sa aming barangay. Mahusay na acupunctu-rist… At kilala siya sa aming lugar na isang mabuting tao,” ang wika sa kanya ni Gary.

Nang magbalik sina Jonas at Gary sa Balay Bayani ay mga pasyente na lamang ang inabutan nila sa klinika. May pasyenteng nakadapa sa gawang kama-kamahan na tadtad ng karayom ang likod. May ilang nakatihaya, nakabaon naman ang mga karayom sa mga binti, braso at dibdib. Ang iba, na mistulang naiidlip din, ay nasilip nilang nangag-upong pasandal sa mga sil-ya at natatamnan din ng karayom sa ulo at iba pang parte ng katawan.

“Kumakain  sila…” sabi kina Jonas at Gary ng matandang babaing napagtanungan nila at nagturo sa pinakakusina-komedor ng Balay Bayani, sa bandang kaliwang tagiliran ng istrukturang pormang-chalet ang kayarian.

Agad nagtungo roon ang magkaibi-gan. Dinatnan nilang apurahan sa pagsubo at pagnguya ng pagkain ang apat na acupuncturist kasalo ang mga pasyenteng  nagamot na at hindi pa nagagamot, gayundin ang iba pang staff ng grupong nagdaraos ng serbisyong-medikal sa mga araw ng Miyerkoles at Sabado.

“Palagay ko’y ‘di nila tayo mahaharap sa araw na ‘to. Marami pa silang pasyente, e,”  bulong kay Jonas ni Gary habang papalapit sila sa isang mahabang mesang kinakainan ng mga nananghalian.

“K-kelan kaya pwede?” ang maagap niyang pagsangguni sa kaibigan.

“Humingi tayo ng iskedyul…At para ‘di masayang ang lakad mo, ‘yung mga pasyenteng nagamot  na  ang interbyuhin mo muna. Tena, magpaalam tayo  kay Ka Lito, kung pwede,” ang suhestiyon ni Gary.

“Sino sa kanila si Ka Lito?” (Itutuloy)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …