Monday , September 26 2022

Unang Aray (Memorabol kay Inday) (Part 27)

HINDI MAN LAMANG NAGPAALAM NANG PORMAL SI INDAY KAYA MASAMA ANG LOOB KO KANYANG PAG-ALIS

Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin nang pormal. Taken for granted lang ba ako bilang boyfriend niya? Ang sama-sama ng loob ko. Gayunma’y nahiling ko sa pansariling panala-ngin na ligtas sana siyang makarating sa kanyang paroroonan. At ganito ang ini-reply ko sa kanya:  “Kasama mo ang pag-ibig ko sa iyong pag-alis. Nakalaan akong maghintay…. God bless!”  Pero hindi siya sumagot. Maraming beses pa akong nag-text sa kanya pero hindi siya nagte-textback. Nang subukin kong tawagan siya ay naka-off ang cp niya.  Biglang naputol ang aming komunikasyon.

Pero nang araw na ‘yun ay parang namataan ko pa si Inday na sakay ng kotse nilang Volks na minamaneho ng erpat niya. Katabi siya sa huling upuan ng sasakyan ang kanyang ermat. Kumaway-kaway ako habang papalapit ang kanilang sinasakyan pero nilagpasan din ako na parang wala silang nakita. Hindi ako pwedeng magkamali na si Inday ‘yun. Anino pa lang niya ay kilala ko na.  “Indayyy!” ang pahabol kong pagkalakas-lakas na sigaw.

Sabi sa text ni Inday ay palipad na siyang patungo ng Amerika. Nagsisinungaling ba siya sa akin? Pero bakit? At ano ang dahilan para gawin niya sa akin ‘yun?

Naging negative thin-ker ako at napraning-praning sa pag-aakusa ng kung anu-ano laban sa kanya. Na pinalabas lang niyang nag-abroad siya para putulin ang kaugnayan namin sa isa’t isa. Baka natauhan siya na wala sa akin ang mga katangiang hanap niya sa isang lalaki. Baka nakipagbalikan na siya sa dati niyang bf. Baka nasulsulan siya ng kanyang ermat at erpat na kalasan ako dahil hindi sila boto sa akin. At kung anu-ano pang mga pisimistikong haka-haka ang kumubabaw sa isipan ko.

Pilit kong kinumbinsi ang aking sarili  na hindi si “Inday” ang babaing kasakay ng mag-asawang Mommy Letty at Daddy Clem sa kotse. Namalikmata lang ako…Namalikmata lang ako… Namalik mata lang ako…Ay, Inday ng buhay ko!

Kaybilis-bilis ng takbo ng panahon pero para sa akin ay lubhang naging kainip-inip ang pag-usad ng mga araw sa pag-aabang ko ng balita o ng kahit anong mensahe na magmumula sa kanya. Isang buwan ang nakalipas na parang may sugat na nagnanaknak sa dibdib ko. At sa gunita ko pa, ang matatamis niyang alaala sa akin ay unti-unti nang pumapait.

Nagkape lang ako sa pinakamalapit na fastfood. Pagkatapos ay nagtuloy na agad ako sa bahay nina Inday. Ibig kong makibalita sa ermat o erpat niya. Naniniwala ako na bilang mga magulang niya ay siguradong mayroon silang balita na maibabahagi sa akin. Kinatok-katok  ko ang kanilang kanilang pintuan. Paulit-ulit kong tinawag-tawag ang pangalang “Manang.” Pamaya-maya ay may nagbukas ng pintuan. Sumilip lang sa maliit na puwang ng pinto ang mukha ng matandang babaeng kasambahay.

“M-makikibalita lang sana ako kay Inday, e…” ang maagap kong nasabi kay Manang.

(Itutuloy)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

BEAUTY GONZALEZ Rhea Tan

BEAUTY GONZALEZ ROLE MODEL SI MS. RHEA TAN, 
bagong mukha ng Beautéhaus

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI BEAUTY GONZALEZ ang bagong mukha na kakatawan sa BeautéHaus …

Beautederm Rhea Tan Vigan

Lorna, Jelai, Buboy, JC, Ejay, Jana nag-enjoy sa Vigan 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga NAG-ENJOY nang todo sa kanilang trip sa Vigan City, Ilocos Sur …

SM 100 days of hapiness

SM SUPERMALLS BEGINS 100 DAYS OF HAPPINESS  
Officially starts the Christmas countdown by creating a circle of happiness among Filipinos

To kickstart the Christmas countdown, SM Supermalls began its 100 Days of Happiness today, September …

Sharp 110th anniv feat

Sharp celebrates its 110 years of transforming lives

SHARP Corporation celebrates its 110th year anniversary. In its celebration, Sharp has introduced a new …

kati batok, Krystall Herbal Oil

Dermatitis ng factory worker na-neutralise ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply