Saturday , October 1 2022

Para sa mga girls: Bakit hindi nag-o-orgasmo?

BAKIT nga ba nahihirapang makamit ang orgasmo? Narito ang kasagutan . . .

Isinilang bang may mas magandang anatomy?

Mahirap alamin kung ang anatomy nga ng clitoris ang nakaiimpluwensiya sa orgasmo, o kung ang pagkakaroon ng maraming orgasm ay nagpapabago sa anatomy, ipinunto ni Dr. Susan Oakley, isang ObGyn sa Good Samaritan Hospital sa Cincinnati, Ohio.

“Hindi pa rin namin masabi kung ito ang manok o itlog,” ani Oakley. “Ang mga babae bang may malaking clitoris dahil mas marami silang orgasmo? O isinilang ba silang may mas malalaking clitoris na siyang dahilan na mas maganda ang kanilang ‘sexual function’?”

Sa katunayan, ang clitoris ay hindi lamang isang bahagi o estruktura sa katawan ng babae na hugis butones at makikita sa ibabaw ng vagina. Ang ‘clitoral complex,’ na may hugis na boome-rang, ay umaabot sa kailaliman ng balat at kinabibilangan din ng mga bahagi ng katawan na kung tawagin ay ang body, crura, bulb at root.

Posible na ang mas maliit na distansiya sa pagitan ng mga estrukturang ito at ng vagina ang dahilan kung bakit ang clitoris ay mas madaling nabibigyan ng stimulasyon habang nakikipagtalik, dagdag ni Oakley.

Ang visible at external part ng clitoris, na kung tawagin ay glands, ay naglalaman ng libo-libong nerves na nagsisiksikan sa maliit na area, at lumilitaw na ito ang sentro ng sensasyong sekswal.

“Marahil ang malaking clitoris ay may mas maraming nerve ending, at marahil sa direktang contact at stimulasyon ang clitoris ay mas marami ang sensasyon na nagreresulta sa pag-o-orgasmo,” aniya,

(Tatapusin bukas)

Kinalap ni Sandra Halina

About hataw tabloid

Check Also

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Krystall herbal oil, Krystall vit. b1 & b6 nagpalubag ng loob ng magsasakang sinalanta ni ‘Karding’

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Piolo Pascual Zeinab Harake Rhea Tan

Piolo handang maka-collab si Zeinab

G si Piolo Pascual na makipag-collab  sa vlogger at influencer na si Zeinab Harake. Ito ang ibinahagi ng Ultimate …

SM Kultura Filipino Design

Championing Filipino design brilliance: Kultura and its Filipino Design Studio

SUSTAINABILITY can come in many shapes and sizes. What’s important is the intent, the execution, …

Leave a Reply