Friday , September 30 2022

Dapat bang sabihin kay bestfriend na nanligaw sa’yo noon ang BF niya?

00 try me francine prieto
Hi Miss Francine,

I’m Anne from Maasin City, Southern Leyte. Mayroon akong cousin na bestfriend ko at ang ex-bf niya ay friend ko. Mas una kaming nagka-kilala ng guy kaya naging sila because of me. Pero hindi alam ng bestie ko na yung ex-bf niya ay nanligaw noon sa akin. Hindi ko na lang sinabi kasi ayaw ko maging awkward lalo na noong magkakasama kami.

Hindi ko kasi siya gusto kaya binasted ko siya hanggang naging sila ng bestie ko. Tama bang ilihim ko kasi wala naman na sila, hindi ako ang reason kung bakit sila naghiwalay. No need naman siguro pa sabihin di ba? Kasi until now the guy is still texting me at iniinvite pa akong lu-mabas pero iniignore ko kasi nga hindi ko siya gusto kahit single ako ngayon. Ewan ko ba sa kanya kahit ilang ulit ko na siya binasted hindi pa rin siya nagsasawang manligaw. Please help me how to explain to him na wala talaga si-yang chance sa akin at sasabihin ko ba sa bestie ko kahit wala na sila? Salamat.

ANNE

 

Dear Anne,

Kung talagang ayaw mo sa lalaki dapat ay hindi mo siya ine-entertain meaning kahit sa text dapat hindi mo na siya sinasagot kaso si-guro nae-enjoy mo rin ‘yung mga pahaging at atensyong ibinibigay niya sa ‘yo.

Pagkatapos mong basahin ‘tong sagot ko sa susunod na text sa ’yo ni lalaki sabihin mo sa kanya na friendship lang ang maibibigay mo at huwag na siyang magpa-cute sa’yo at magbalak pa na manligaw ulit kasi ‘yun lang ang kaya mong ibigay sa kanya. Dapat maging honest ka nang hindi naman brutal ang pagkakasabi para hindi na kayo magsa-yang ng oras. Pero kung magpupumilit pa siya, mas mabuti nang huwag ka ng mag-reply sa susu-nod na text at tawag niya, magsasawa din ‘yun kapag hindi mo na talagang pinansin.

Tungkol naman sa iyong bestie, may mga bagay kasi na hindi na dapat pa sinasabi, gaya ng naunang desisyon mo na huwag na lang sabihin sa kanya ayos na ‘yun. Pero kung saka-ling dumating ang panahon na magtanong siya, sabihin mong oo nanligaw si ex niya noon pero hindi mo nakikitang magkaroon kayo ng relasyon kaya mas pinili mong maging magkaibigan kayo na totoo naman hindi ba?

Kaya mo siguro ito tinatanong sa ‘kin dahil iniisip mo mali ‘yung ginawa mo o kaya naman hindi mo namamalayan na nahuhulog ka na rin sa lalaking ‘yun dahil nakikita ko sa message mo na kinikilig ka rin sa pahaging niya.

Kung maging kayo man ngayon wala namang masama, single siya at single ka. Malay mo hindi mo man siya gusto pero kapag nakilala mo siyang mabuti may makita kang katangian na magpapaibig sa’yo ‘di ba?

Love, Francine

 

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at na-research. Nasa sa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected] or text me 0939-9596777  

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Krystall herbal oil, Krystall vit. b1 & b6 nagpalubag ng loob ng magsasakang sinalanta ni ‘Karding’

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Piolo Pascual Zeinab Harake Rhea Tan

Piolo handang maka-collab si Zeinab

G si Piolo Pascual na makipag-collab  sa vlogger at influencer na si Zeinab Harake. Ito ang ibinahagi ng Ultimate …

SM Kultura Filipino Design

Championing Filipino design brilliance: Kultura and its Filipino Design Studio

SUSTAINABILITY can come in many shapes and sizes. What’s important is the intent, the execution, …

Leave a Reply