Friday , November 22 2024

Cone target ang ika-2 Grand Slam

NGAYONG nalampasan na ni Tim Cone ang record ni Baby Dalupan at siya na ang winningest coach sa Philippine Basketball Association, ano ang susunod niyang misyon?

Ikalawang Grand Slam?

Posibleng ito naman ang targetin ni Cone matapos na maigiya niya ang San Mig Coffee sa kampeonato ng katatapos na PLDT myDSL PBA Philippine Cup kung saan dinaig ng Mixers sa Finals ang Rain or Shine, 4-2.

Bunga ng panalong iyon ay nakopo ni Cone ang kanyang ika-16 titulo bilang coach sa PBA at nalampasan ang 15 ni Dalupan.

Kahit na siya na nga ang winningest coach sa PBA ay nagpugay pa ri si Cone sa kanyang idolo at sinabing napakahirap lampasan ang lahat ng achievements ni Dalupan.

“He has won 41 championships in the PBA, the NCAA, the MICAA and everywhere. He’s a legend,” ani Cone.

Kaya naman sinasabi ng karamihan na sa PBA lang mamamayagpag si Cone. At upang sementuhan ang kanyang  pagiging winningest coach, sisikapin niyang makamit ang kanyang ikalawang Grand Slam.

Una niyang nakumpleto ang Grand Slam noong 1989 nang hawak pa niya ang Alaska Milk. Iniwan niya ang Aces matapos ang mahigit na dalawang dekada at lumipat sa San Mig Coffee.

Sa loob ng pitong conferences ay tatlong titulo na ang naibigay niya sa kanyang bagong koponan.

Umaasa si Cone na malaki ang maitutulong ng kanyang import na si James May sa hangarin ng Mixers na mamayagpag din sa Commissioner’s Cup na magsisimula sa Miyerkoles.

Isang buwan nang nasa bansa si Mays at nakikipag-ensayo sa kanila. Si Mays ay produkto ng Clemson University at beterano ng NBA D-League. Siya ay magdidiwang ng ika-27 kaarawan niya sa Lunes, Marso 3.

Si Mays ay  naglaro para sa Central African Republic sa nakaraang FIBA African Championship.  Siya ay nag-average ng 20.1 puntos, 15 rebounds, dalawang assists at dalawang steals sa torneong iyon.

Si Mays ay may tangkad na 6-9 at puwedeng maglaro bilang sentro at power forward. Kinuha siya ni Cone matapos na hindi pumasok sa height limit na 6-9 si Denzel Bowles na import ng San Mig sa nakaraang dalawang Commissioner’s Cup tournaments.

Ang height limit ng imports sa darating na Commissioner’s Cup ay 6-9 para sa unang walong koponan at 6-11 para sa dalawang teams na hindi nakarating sa quarterfinals ng nakaraang Philippine Cup.

“He’s a good post up player, good passer off the post and a strong guy,” ani Cone.

Si Mays ay unang kinunsidera ng Petron Blaze noong nakaraang season bilang kapalit ng na-ban na si Renaldo Balkman. Subalit minabuti ni Mays na manatili sa NBA D-League at tingnan kung aabot siya sa NBA mismo.

Ni SABRINA PASCUA

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *