Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, nagpapa-sexy dahil sa bagong manliligaw? (Nagpa-private class daw ito ng Zumba…)

ni  Reggee Bonoan

SINO kaya ang dahilan kaya nagpapa-sexy ngayon ang Queen of All Media na si Kris Aquino?

Natanong namin ito dahil may nagkuwento sa amin na nagsu-zumba pala si Kris ngayon at ang trainor niya ay taga-GForce.

Hindi kaya may bago uling manliligaw si Kris na ayaw na lang niyang sabihin kasi nga noong banggitin niya itong huli ay biglang nag-backout? Pero sino kaya ‘yung ibinuking ni Vice Ganda sa Aquino-Abunda Tonight na tumatakas daw ang TV host kapag gustong makipagkita?

Going back to Zumba, “sosyal ang lola (Kris), private class ang zumba niya as in siya lang mag-isa ang tinuturuan, keri mo?” tsika sa amin ng may alam sa bagong ginagawa ng TV host.

Ayaw banggitin sa amin kung saang studio nagsu-zumba si Kris dahil baka raw may mga manood, eh, ayaw daw nitong may nanonood sa kanya.

“Kaya nga private class, ‘di ba? Gusto niya siya lang para walang nakaaalam o nakakakita sa kanya,” katwiran sa amin.

Oo nga naman, pero, hindi ba nabuburyong si Kris na mag-isa lang siyang nagwo-work out kompara kung marami sila ay puwedeng ganahan at talagang matsa-challenge siyang gawin lahat ng steps para hindi siya mahuli sa iba?

Hmm, type mong mag-zumba Ateng Maricris para mawala mga belly-belly natin, magkano kaya TF ng GForce?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …