Thursday , June 4 2026

Callalily, Barangay Ginebra Kings darayo sa Ginuman Fest sa Calamba

MATAPOS ang matagumpay na opening leg sa Tondo ay darayo naman ang Ginuman Fest 2014 sa Calamba, Laguna sa Pebrero 28.

Masasaksihan ng mga kabarangay ang banda na Callalily at makakasalamuha rin ng fans sina Japeth Aguilar, Dylan Ababou, JayR Reyes, at Brian Faundo ng Barangay Ginebra Gin Kings sa Plaza sa Barangay Real.

Kamakailan ay napuno ang parking grounds ng Tutuban Center sa Tondo na halos 15,000 na mga kalahi ang nakisaya buong gabi kasama ang mga brand ambassador ng GSMI na kinabibilangan nina 2014 Ginebra calendar girl Marian Rivera, Solenn Heussaff, Jhong Hilario, Callalily, Rocksteddy, at The Itchyworms.

Sa Calamba ay makakasama ng Callalily ang Banda Ni Kleggy at ang all-girl group na PYT Sassy Girls. Ang kabuuan ng lahat ng Ginuman Fest events ay inaasahang hahatak ng higit sa isang milyong katao, mas marami pa sa nakaraang taon.

Ang Ginuman Fest 2014 ay hindi lamang isang musical event dahil marami rin itong mga palaro na may kaukulang papremyo. Maaaring tikman at makabili ng mga produkto ng Ginebra San Miguel, Inc. gaya ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin, Gran Matador Brandy, Antonov Vodka, Magnolia Healthy Beverages at ang flagship product na Ginebra San Miguel gin. Ipinagdiriwang ng flagship brand ang ika-180 taong anibersaryo sa taong ito.

Bibisita rin ang Ginuman Fest 2014 sa Imus, Cavite (Marso 8), San Fernando, La Union (Marso 15), Calapan, Mindoro (Marso 21), Batangas City (Marso 29), Tagudin, Ilococ Sur (Abril 4), Bayambang, Pangasinan (Abril 5), San Jose, Nueva Ecija (Abril 11), Cauayan, Isabela (Abril 12), Baliuag, Bulacan (Mayo 9), Bayombong, Nueva Vizcaya (Mayo 17), Tuguegarao, Cagayan Valley (Hunyo 14), Daet, Camarines Norte (Hunyo 19), at San Juan, Metro Manila (Hunyo 21).

Ang Ginuman Fest 2014 ay isinagawa ng GSMI upang pasalamatan ang milyon-milyong mga kalahi na tumatangkilik sa Ginebra San Miguel bilang pinakamabiling gin sa buong mundo.

Tumanggap ang Ginebra San Miguel ng ika-anim na Gold Quality Medal at pangalawang International High Quality Trophy ng Monde World Selection noong nakaraang taon. Napanatili rin ng Ginebra ang pagiging no. 1 gin sa buong mundo ayon sa Drinks International.

Inilunsad din kamakailan ang Ginuman Fest Crew sa pangunguna ng radio DJ na si Jec Lubrin na gumaganap sa papel na Boy Hamon. Lilibutin ni Boy Hamon at ng Ginuman Fest Crew ang lahat ng destinasyon ng concert series at ipalalabas ito sa official Facebook pages ng Barangay Ginebra at GSM Blue Gin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …