Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Food trip sa GRR-TNT

NGAYONG Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa GMA News TV ay isasama tayo ng Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) sa isang food trip.

Patitikimin kayo ni Mader Ricky Reyes ng mga putaheng ginagawa sa mga sariwang isda at lamang dagat na nakabubuti sa kalusugan.  Isasama niya tayo sa mga sikat na kainan na masarap na ang pagkai’y kaya pa ng bulsa ang presyo.

Karamihan sa ati’y mahilig sa dessert o pamutat pagkatapos ng meal.  Hayaan ninyong isa-isahin ng beauty guru ang mga delisyosong panghimagas na ito.

Sa “Business 101” ay magtuturo on the air si RR kung paano magsimula, magpatakbo at maging matagumpay sa negosyong papasukan.

Marami ang pamilyar sa Youtube sensation na 143 at transgender sa MTV na si Kevin Balot. Makikipagtsikahan sila sa show at tiyak  maaaliw kayo sa kanilang mga kuwento.

Guest din ang Sassy Girls na dati’y front act lang sa mga show pero ngayo’y lead performers na.

Ang GRR TNT ay handog ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …