Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batang magpapa-picture, inisnab nina Xian at Kim?

ni  Alex Brosas

HOW true na inisnab nina Xian Lim and Kim Chiu ang isang batang nagpapa-picture sa kanila?

Obvious na obvious sa isang blind item na lumabas sa isang popular website na sila ang tinutukoy na nang-isnab sa isang bata na gusto lang namang magpakuha ng picture na kasama sila.

Sila lang naman kasi ang love team na nagpunta sa isang resorts recently matapos ang kanilang successful movie.

Hindi lang naman ang bata, actually, ang gustong magpa-picture sa kanila, mayroon pang resort guests ang nagtangkang magpakuha ng litrato kasama sila pero lahat sila ay nabigo.

Ang bata naman, iyak daw nang iyak nang hindi mapagbigyan ang kanyang munting kahilingan. Ang chika, nasa vacay mode raw ang dalawa at hindi puwedeng istorbohin.

Ganoon?

Cristina, may travel & business show na!

FOR the first time ay magho-host na si Cristina Decena ng isang show, ang Business Flight, isang  travel and business program na mapapanood sa GMA News TV channel 11, Sundays, 9:00 a.m. starting March 9. Kasama niya sa show si Venus Raj.

This early ay nakapag-tape na sila sa Japan, London, Bohol and Bangkok, Thailand.

“Bale si Venus siya ang magpapakita ng mga magandang tanawin, ‘yung information tungkol doon sa country na ‘yon, ‘yung mga tradition at saka ‘yung food and restaurants. Ako naman ‘yung mga successful na tao sa abroad, Pinoy lahat,” chika niya sa amin over merienda sa condo niya.

In-explain niya kung bakit si Venus ang choice niya bilang co-host.

“Pareho kami ng pinagmulan. Nanggaling kami sa hirap tapos nagsikap. Parehong inspirational ‘yung buhay namin. Ngayon mag-iinterbyu kami ng taong mayroong inspiring stories din so, makaka-relate kami at saka may pinanggalingan. At least kung pare-pareho kami ng pinanggalingan ay madali kaming makare-relate,” sabi niya sa amin.

When we asked kung sinong successful Pinoys ang kanyang nainterbyu, she mentioned a Pinay working for the queen in London.

“Sa London nainterbyu namin ‘yung taong nagsisilbi kay Queen Elizabeth. Pinagsilbihan din niya si Princess Diana,” chika ni Cristina.

All praises ang Pinay kay Princess Diana. “Sabi niya ay talagang approachable, maganda ang PR sa tao at kahit na serbidora sila ay kinakausap sila. Napakababa ng loob ni Diana at talagang kinakausap sila.”

As the interbyu went on, tinanong naming siya sa development ng kaso sa tangkang pagpatay sa kanya. Sumuko na ang assassin at nagbigay na ito ng pahayag sa DOJ. Pinangalanan din nito ang mga sangkot sa kaso na kinabibilangan ng isa niyang kaibigan.

Although she was kinda sad dahil nasangkot ang kabigan niya ay wala siyang magagawa. Kailangan nilang pagdusahan ang kaso.

Kaya nga ngayon ay doble ingat si Cristina sa paglabas-labas niya. Palagi siyang mayroong bullet proof vest.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …