Saturday , November 23 2024

Vince, gustong idirehe si La Aunor

ni Eddie Littlefield

PINABILIB ni  Vince Tañada  ang publiko sa kanyang outstanding performance sa indie film na Otso, come backing film ni Direk Elwood Perez. Palibhasa magaling na actor kaya’t may follow-up agad itong movie kay Elwood na Esotica.

Kung hindi nga lang sa pakiusap ni Direk Elwood, titigil na sa pag-aartista si Vince. Gusto muna niyang mag-concentrate sa theater as an actor- director and script writer. ”I want to concentrate in something I know I am truly blessed. But to tell you honestly, I don’t want to act in film. I don’t have any intension joining showbusiness. I’m just here to serve the art. This particular movie ‘Otso’, I wrote the script. I’m a lawyer by profession,” say nito.

Magaling ang convincing power ni Direk Elwood kaya napapayag si Vince na mag-artista. Kuwento niya, ”This is indie but when you talk to Elwood, iba siya makipag-usap. Nang sinabi niya ‘yun parang mini-mainstream niya ako. Na alam ko sa sarili ko, hindi ako puwede. Well, hindi na naman ako bata. Sabi ni Direk Elwood, let’s do it. Sino ba naman ang ayaw mag-artista lalo na kung main stream ang pagkaka-kuwento sa ‘yo.

“Kapag iniisip ko  ang lahat ng nangyaring ito, it’s just part of a Filipino culture. But to tell you honestly, the product will speak for yourself.

‘Yun lang naman ‘yun, I mean, this particular film is not made for the star.  Ito’y ginawa dahil sa istorya. Hindi ko alam kay Lance Raymundo pala itong ‘Otso’.”

Maganda ang family background nitong  si Vince, si Senator Lorenzo Tañada ang kanyang grand father. All of his uncle and cousins are  all lawyers. He’s father  Antonio Tañada is used to be a politician pero retired na ngayon. Naging Mayor in the province of Gumaca, Quezon in the 80’s. Pangatlo si Vince sa apat na magkakapatid. Sa kahiligan ng kanyang mga magulang nag-aral siya ng law at nakapasa sa board exam. Pero sa theater art talaga ang passion ng magaling na actor/director.

Bukod sa pagiging stage actor/ director, writer /singer din siVince and at the same time painter din ito. Sabi nga niya, ”I started very young, I used to perform. I was part of a theater group in  Entablado Pilipino. It was a long time ago in CCP. I played and then I joined singing group in La Salle, Conderana, third year high school batch 91.I wrote the stage play ‘Bangkay’  which won the Palanca.”

Buong ningning na ipinag-malaki pa ni Vince na fan siya ni Elwood. Lahat ng pelikula ng master director ay pinanonood niya tulad ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit at  Ang Totoong Buhay ni Pacita M ni Ms. Nora Aunor.

“Kapag nakikita ko si  Elwood, iba ang pakiramdam ko. Si Elwood Perez ‘yun, ang idol ko. Bata pa lang ako mahilig na akong manood ng Filipino films. Kapag nanonood si Direk Elwood ng play ko, nae-excite ako. Pero hindi mo iniisip na magiging director mo siya. Kapag nagpi-play ako, ginagalingan ko kapag siya ay nandidyan. Lagi siyang nanonood like ‘yung theater play kong ‘Bangkay’. It’s an experimental play, ilang beses niya pinanood ‘yan. I directed the play, I wrote it and at the same time, actor. That particular play won at the Palanca 2011-2012. Doon niya ako na-meet tapos lahat ng play ko pinanonood na niya. I am successful and I can do a lot of things. We have lots of director in the country now, cannot act. Maybe because of the physical, not the feature but the limitation. Ako, I act my own play, I did one frontal nudity the play that Elwood never forget,” pahayag ng actor.

Inamin ni Vince na malaki ang paghanga niya kay Nora. Willing ito magbalik-pelikula kung ang Superstar ang makakatrabaho niya. May isinusulat ngang istorya ang actor/director, tailor-made for Ate Guy. If ever, gusto ni Vince na idirehe si La Aunor in the near future.

Kung hindi man, makasama niya ito sa pelikula. Dream come true ito sa award winning actor na si Vince Tañada.

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *