Thursday , June 4 2026

5 patay, 45 sugatan sa jeep na tumagilid

BAGUIO CITY — Patay ang lima katao habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 45 sugatang pasahero matapos tumagilid ang pampasaherong jeep sa Sitio Galitungan, Nalbuan, Licuan-Baay, Abra.

Kinilala ang mga namatay na sina Melba Millare, Solomen Colangan, Veronica Tucio, Noreen Tugadi at Dimple Tugadi.

Ginagamot sa Abra Provincial Hospital ang 28 biktima, 9 sa Abra Christian Hospital at 8 sa Seares Memorial Hospital.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, inihayag ni Senior Ins. Rosal Henaro, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Victor Pacio habang pababa sa sharp curve ng nasabing daan kaya tumagilid ang sasakyan bago nahulog sa isang metrong lalim na kanal.

Napag-alaman na karamihan sa mga nasugatang biktima ay naka-upo sa bubungan ng sasakyan.

Sinasabing galing ang mga biktima sa isinagawang 4P’s meeting sa Sitio Baquero, Nalbuan, Licuan-Baay, Abra.

Nasa kustodiya ng Licuan-Baay Police Station ang driver habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …