Monday , December 23 2024

Human rights iimbestigahan at kakasuhan ang BIFF, c’mon…

NABUKING ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na gumagamit ng “child warriors” ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ang breakaway group ng Moro Islamic Liberation Frongt (MILF).

Tatlo raw sa 53 nasawi na BIFF members ay edad 15-16, mga menor de edad. Ipinagbabawal ito sa internasyunal na kasunduan sa larangan ng digmaan.

Kaya ang reaksyon kaagad ng Commission on Human Rights, iimbestigahan nila ang isyung ito at kakasuhan ang BIFF kapag napatunayang lumabag sa naturang kasunduan.

Anong klaseng pag-iimbestiga kaya ang gagawin dito ni CHR chief Etta Rosales?

Ang BIFF ay walang kinikilalang batas ng gobyerno. Ang batas nila ay ang kanilang baril, ang ipinaglalaban kung ano man iyon. Ang tanging sinusunod nila ay ang kinikilala nilang kumander  na nagpapakain sa kanilang pamilya.

Kung kaso lang ang pag-uusapan, tambak na sa kasong kriminal ang BIFF. Sobra sobra na sa salop!

Kaya nga nagkaroon ng limang araw na bakbakan last week sa pagitan ng mga rebeldeng moros na ito at militar ay dahil sa pagsilbi sana ng arrest warrant ng AFP at PNP sa aarestuhing miyembro ng BIFF.

Hindi basta paaaresto o pahuhuli ng buhay ang rebeldeng moros. Ang moro warriors ay ayaw ng nakukulong. Mas gugustuhin pa nilang mamatay na lumalaban kesa magdusa at makotongan ng jailguards sa kulungan.

Kaya ang sinasabi ni Etta Rosales na iimbestigahan nila ang BIFF, epal lang yan! Waste of time at waste of money ng taxpayers yan…

Hayaan nalang ang AFP at PNP na sugpuin ang mga kriminal na yan. That’s all!!!

Pabor sa bitay!

– Ka Joey, tulad nyo, isa rin ako na pumapabor sa death penalty na sinusulong ng mambabatas natin. Masyado na po talaga talamak dito sa Manila. Kahit saan mo ipaling ang mga mata, marami ka makikita na mga adik at riding in tandem. Biktima rin ako nyan. Buti lang di ako pinatay. Salamat po and more power en God bless. Taga-Sampaloc po ako, masugid na  nagbabasa ng koum mo. – 09166467…

Mabuhay kayong taga-Sampaloc…

Panggagahasa ni Vhong kay

Deniece pang-world record!

– Joey, pwedeng ilagay sa Guinness Book of Records ang panggagahasa ni Vhong Navarro kay Deniece Cornejo sa loob lang ng isang minuto (tapos nag-blow job pa). – Juan ng Tondo

Tama ka Jun. May rape ba namang nagagawa sa isang minuto? Sa pag-akyat lang ni Vhong sa elevator at paglakad sa hallway patungo sa unit ni Deniece ay aabutin na si-guro ng one minute e… Tingin ko d’yan, pagpasok ni Vhong sa room ay tinutukan agad siya ng baril ng mga naunang ka-tropa ni Cedric Lee at lumabas si Deniece para aba-ngan sa labas ng condo si Cedric, ayon sa CCTV footage at recorded time elements. Anyway, masarap sanang pag-usapan itong kaso nina Vhong at Deniece. Pero ipaubaya na natin ito sa mga showbiz reporters. Hehehe…

Paging DND Sec. Voltaire Gazmin

– Mr. Joey Venancio, paki-kalampag naman si DND Sec. Voltaire Gazmin tungkol sa matagal na pagbigay ng aming pension differential mula FY 2000 – 2012. Nae-release na po ito ng DBM. Ngunit ang pagkaalam namin na time-deposit pa ito at may kontrata. Noong Dec. 2012 pa sana ito dapat ibibigay pero hanggang ngayon wala pa. Tulungan mo lahat ang AFP pensioners at tanawin namin na malaking utang na loob sa inyo ito. Maraming salamat po.  – Abante Retirees Negros Occ. Chapter

O, Sec. Gazmin… dati ka rin miyembro ng militar at isa na rin pensioner. Paki-asikaso naman ang pension ng mga dati mong kasamahan, Kernel, Sir! Ano ba ang problema sa pension nila at panay ang kanilang daing? Pls help them, Secretary…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *