Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis at Angel, nagkabalikan na! (Sa mga sweet moment photos ng dalawa)

PANAY ang post ni Luis Manzano ng sweet moment photos nila ni Angel Locsin kaya naman marami ang naniniwalang nagkabalikan na sila.

Nakita namin ang ilang pictures sa social media where Luis was holding Angel’s hand sa Dubai airport. Mayroon ding photo na hinalikan ni Luis ang kamay ni Angel. There’s also one photo which showed him kissing the actress on her cheeks.

Hindi namin alam kung bakit panay ang post ni Luis ng photo nila ni Angel. Is this his way of telling the public na nagkabalikan na sila? Is this his way of showing his love to Angel? Bakit naman agad-agad yata ang mga pangyayari?

Anyway, kung mayroong kinikilig sa sweet moment photos ay mayroon ding naniniwala na gumigimik ang dalawa lalo pa’t airing na this week ang bagong soap ni Angel.

Daniel, may sariling style sa action

NAG-ACTION si Daniel Padilla sa Sa Ngalan ng Ama, Ina at ng mga Anak kaya naman he was asked kung type niyang maging action star.

“Hindi ko ‘yon masasabi sa sarili ko (na action star na ‘ko). Hayaan na lang nating sila ang magsabi kung ano ang maganda para sa akin. Basta ako gagawin ko kahit ano…hindi naman kahit ano, ‘yung maayos lang,” sabi niya sa presscon ng movie niya with Robin Padilla, Kylie Padilla, Mariel Rodriguez, at Rommel Padilla.

“‘Di ko naman magagaya sila. Hindi naman sa hindi maganda dahil mga idol ‘yan pero kung ano siguro ‘yung style ko ang gagawin ko,” dagdag pa niyang paliwanag when asked kung gagayahin n’ya ang uncle niyang si Robin at father niyang si Rommel.

Pero open si Daniel na magkaroon ng TV show with the Padillas.

“Maganda ‘yon, gusto kong gawin ‘yon. Magkakasama (kaming Padilla)? Maganda ‘yon.  Siguro after itong ‘Got To Believe’.  Tignan natin kung puwede nating magawan ng paraan,” aniya.

When asked kung anong genre, ito ang sagot ni Danile, “Para kasi ang Padilla ay puno ng humor. Puno ng humor kami ‘pag kami-kami lang. May konting action siguro. ‘Yung action siguro dadalhin namin sa sinehan pero ‘yung humor (sa TV).”

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …