Thursday , June 4 2026

May pakinabang pa rin kay “Major Pain”

MAY asim pa si Eric menk!

Iyan ang napatunayan ng manlalarong tinaguriang ‘Major Pain’ noong Linggo nang tulungan niya ang Global Port na magwagi kontra Alaska Milk.

Pinatid ng  BatangPier ang five-game losing skid at mayroon na silang 5-8 karta ngayon sa PLDT myDSLPBA Philipine Cup. Sigurado na sila sa playoff para sa quarterfinals berth.

Sa larong iyon, si Menk ay nagtala ng double-double (10 puntos at 11 rebounds).

Aba’y matagal-tagal na rin namang hindi niya nagawa ang ganitong statistic.

E, hindi nga ba’t noong  nakaraang season ay hindi nga siya naglaro sa Barangay Ginebra San Miguel at sa halip ay napunta siya sa San Miguel Beermen  na nagkampeon naman sa ASEAN Basketball League.

Bago iyon ay hindi  na rin siya gaanong nagamit pa sa kampo ng Gin Kings. Kaya nga minabuting lumipat siya sa ABL, e.

Mabuti na lang at nakabalik si Menk sa PBA sa ruta ng Globalport.

Pero siyempre, hindi na siya ganoong kabilis at kataas tumalon. Hindi na rin mahaba ang kanyang playing time. Kumbaga’y pamalit na lang ang papel ng dating Most Valuable Player awardee.

Napilitan nga lang  si Menk na magtala ng mahabang playing time noong Linggo dahil sa hindi nakapaglaro si Jay Washington na mayroong foot injury.

Mahigit dalawang linggong hindi makapaglalaro si Washington.

Kailangang may pumuno sa pagkawala niya.

At isa si Menk sa pupuno dito.

Well, kung hahaba nang hahaba ang playing time ni Menk, malamang na kahit paano’y magbalik ang dati niyang husay.

At magiging maganda ito para sa Globalport. Kahit na makabalik sa active duty si Washington, aba’y malaki ang pakinabang na maibibigay ni Menk .

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …