Thursday , June 4 2026

Abueva binangko ng Alaska

ISANG team official ng Alaska Milk na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagbunyag ng tunay na dahilan kung bakit hindi pinaglaro ni coach Luigi Trillo ang 2013 PBA Rookie of the Year na si Calvin Abueva sa laro ng Aces kontra Globalport sa PBA Home DSL Philippine Cup noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Kahit sinabi ni Trillo na masakit ang paa ni  Abueva,  ibinunyag ng source na binangko si Abueva dahil naglasing umano ito pagkatapos ng laro ng Alaska noong Biyernes kontra Meralco kung saan natalo ang Aces, 74-65.

Bukod dito, hindi sumipot si Abueva sa ensayo ng Alaska kinabukasan.

Idinagdag ng source na hindi kinunsinti ni Trillo ang ginawang ito ni Abueva dahil kilala ang Alaska bilang wholesome na koponan at dapat ay maging role model ang mga manlalaro sa mga kabataang umiidolo sa kanila.

Natalo ang Aces sa overtime, 91-88, kontra sa Batang Pier upang bumagsak sila sa 4-9 panalo-talo at kailangan nilang talunin ang Barako Bull sa Linggo upang manatiling buhay ang kanilang pag-asang makapasok sa quarterfinals.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nakikipagpulong si Abueva, kasama si Jared Dilinger ng Meralco kay Komisyuner Chito Salud upang kunin ang  kani-kanilang mga pahayag sa umano’y pagsakal ni Dilinger kay Abueva sa laro noong Biyernes.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …