Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

NLEX bumabawi ng tikas

UNTI-UNTI’Y nababawi na ng defending champion NLEX ang tikas nito sa layuning makadiretso na sa semifinal round ng PBA D-League Aspirants Cup.

Sisikapin ng Road Warriors na napahaba ang winning streak nila kontra Cafe France mamayang 2 p m sa JCSGO Gym sa Quezon City.

Sa ibang mga laro, magtatagpo ang Wang’s Basketball at National University/Banco de Oro sa ganap na 12 ng tanghali at magkikita naman ang Cebuana Lhuillier at Arellano University/Air 21 sa ganap na 4 pm.

Sinimulan ng NLEX ang taong 2014 sa pamamagitan ng back-to-back na panalo kontra Wang’s Basketball Couriers (96-80) at Jumbo Plastic (89-70) upang mapatibay ang kapit sa ikalawang puwesto sa record na 6-1 sa likod ng nangungunang Big Chill na may 10-1.

Ang top two teams sa pagtatapos ng 13-game elimination round ay didiretso sa semifinal round at iyon ang target ng Road Warriors. Iyon din ang puntirya ng Cafe France na may 7-3 record. Maaabot lang ito ng Bakers kung mawawalis nila ang nalalabing laro at madidiskaril ang Road Warriors.

Ang NLEX na hawak ni coach Boyet Fernandez ay binubuo ng core ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) champion San Beda Red Lions na kinabibilangan nina Olaide Adeogun, Rome dela Rosa, Art dela Cruz, Baser Amer at Jake Pascual.

Ang Cebuana Lhuillier, na ngayon ay hawak ni coach David Zamar ay may tsansa pang humabol sa quarterfinals. sa kartang 3-4 ay kailangan ng Gems na mawalis ang natitirang anim na games upang umusad sa susunod na round.

Ang Arellano U/Air 21, National U/Banco de Oro at Wang’s Basketball Couriers ay pawang nabigo na makarating sa quarterfinals at naghahangad na mapaganda ang kanilang pamamaalam sa torneo.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers, target ang sweep; Final Four contenders umiinit sa huling salpukan

Mga laro ngayong araw (Paco Arena) 1 p.m. – VNS vs Alpha 3 p.m. – …

World Slasher Cup Ikalawang Edisyon 2026

Rehistrasyon sa World Slasher Cup – Ikalawang Edisyon 2026 nagbukas na

PORMAL nang nagbukas ng rehistrasyon ang World Slasher Cup (WSC) para sa ikalawang edisyon ng …

Raheel Bhyria

Raheel Bhyria 1 taon pa bago tuluyang gumaling sa aksidente sa basketball

RATED Rni Rommel Gonzales NASA maayos na kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling na si Raheel Bhyria nang maaksidente …

Alesandrea Carpio PSA Forum PSC

Filipinas, Tutok sa Teamwork para sa World Cup

IPINAHAYAG ni Filipinas forward Alesandrea Carpio na iisa lamang ang pinakamabisang paraan upang makapaghanda ang …

PSC POC Philippine Sports Hall of Fame GAB

Mga bagong alamat, magniningning sa Philippine Sports Hall of Fame

ANG prestihiyosong Philippine Sports Hall of Fame ay tatanggap ng ikalimang pangkat ng mga inductee …