Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Puwede pang humabol ang mixers

MARAMING dahilan kung bakit napakasama ng simula ng SanMig Coffee sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup.

Biruin mong nakalasap muna ng tatlong kabiguan ang Mixers bago ipinoste ang unang panalo kontra Air 21. At pagkatapos niyon ay dumanas ulit sila ng dalawang pagkatalo bago nalusutan ang Barako Bull.

Kung titignang maigi, ang mga teams na tinalo nila ay yung palaging nasa ibaba ng standings at parang kayang-kaya nila. Pero hindi naman talagang inilampaso ang Express at Energy kungdi bahagyang nalusutan lang.

Uncharacteristic ito para sa isang koponang nagkampeon sa torneong  kalilipas lang. Ang Mixers ang nagtagumpay sa Governors Cup ng nakaraang season.

So, mataas ang expectations sa kanila.

Pero masama nga ang naging umpisa.

At iyon ay dahil sa injuries sa key players. Bunga nito’y napuwersang pahingahin agad ang mga rookies na sina Ian Sangalang at JR Cawaling. E nagkaroon pa ng injury ang baguhang si Justin Melton a. Hindi din masyadong nagamit ang rookie na si Isaac Holstein.

Mahirap taagang manalo kapag kulang ang piyesa.

Pero ayon kay coach Tim Cone ay hindi nila napag-uusapan ang kakulangan. Kasi, ang lagi niyang inuukilkil ay ang piyesang mayroon sila na puwede pang gamitin. Ayaw daw nilang humanap ng dahilan.

Sa totoo lang, nag-eeksperimento pa nga si Cone. Kung minsan a hindi sila nag-eensayo ng basketball at sa halip ay naglalaro ng bowling. Kumbaga’y nais niya na mag-bonding ang mga manlalaro niya iupang malimutan ang kabiguan at mag-focus sa hinaharap.

Malayo pa naman ang dulo ng elims, e. At dalawa lang naman sa sampung teams ang malalaglag kaagad. So puwede pang humabol ang Mixers.

Na inaasahan naman ng lahat na mangyayari!

***

Belated happy birthday kay Chairman Bado Dino ng Lico St . na nagselebra kahapon, December 20.  Ang pagbati ay nagmula sa sports editor ng Hataw na si Alex Cruz at mga kasamahan nila sa jogging sa Chinese Cem.

Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

National Taekwondo Center

National Taekwondo Center, itatayo sa dating bowling alley ng Rizal Memorial Sports Complex

NAGPAHAYAG ng patuloy na suporta ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Taekwondo Association (PTA) …

NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi …

PSC BCDA John Hay Sports Center Baguio

PSC, BCDA nagtulungan upang gawing pangunahing sentro ng sports tourism ang John Hay sa Baguio

BAGUIO CITY — ISANG bagong yugto sa pag-unlad ng palakasan sa Pilipinas ang nagsimula sa …

Sam Kerr Football

Sa AFC Women’s Asian Cup
Matildas tinalo ang Filipinas sa goal ni Kerr

Burswood, Perth — ANG nagbabalik na star striker na si Sam Kerr ang umiskor ng …

Arbois Hallasgo Tokyo Marathon

Arbois, Hallasgo kumikig sa Tokyo Marathon; SEA Games record binura

MISTULANG patunay sa matikas na pagbabago ang pamosong Tokyo Marathon nang kapwa umukit ng gintong …