Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Presidential Gold Cup top grosser ng taon

Tinanghal na top grosser ng taon ang katatapos na Presidential Gold Cup na pakarera ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ginanap sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Sa limang malalaking pakarerang naganap simula noong Agosto hanggang Disyembre 15 matapos ang matagumpay na Philtobo Grand Championship sa Santa Ana Park sa Naic,Cavite, lumalabas na bagsak ang benta ng pakarera ng Marho na ginanap sa Santa Ana Park noong Nobyembre 24.

Sa tala ng Philippine Racing Commission (Philracom), kumita ang PSCO PGC ng P38,497,366.00  noong Disyembre 1, 2013.

Pumangalawa naman ang Philtobo Grand Championship na kumita naman P38,239,546.

Nasa ikatlong posisyon ang pakarerang ginanap ng Klub Don Juan noong October 27, sa bakuran naman ng Metro Manila Turf Club na may kitang P35,195,365.00 habang pumang-apat ang Bagatsing Cup na kumita naman ng P33,838,294 habang may P32,410,683 ang Marho Cup.

Hindi pa dito kasama ang nakatakdang pakarera ng Philracom na  Grand Derby sa darating na Linggo sa Sta.Ana Park  at Juvenile Championship sa Disyembre 29 na gaganapin sa Malvar, Batangas.

Sa kasalukuyan ay  umabot na sa P7.4 Bilyon ang kinita ng mga pakarera bukod pa ang nalalabing dalawang lingo ng huling buwan ng taon 2013.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …