Friday , May 3 2024

Board of Stewards pangangasiwaan ng PHILRACOM -Abalos

INIHAYAG ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na panahon na para isailalim sa pamunuan ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang Board of Stewards ng tatlong karerahan sa bansa upang maging patas sa kanilang tungkulin.

Ito ang nagbukas sa kaisipan ng alkalde matapos ang naganap kay Hagdang Bato at napatunayan na nagkaroon ng pagkukulang ang mga miyembro ng BOS makaraang mabigo ang  Manila Jockey Club Inc.(MJCI) na ideklarang  false start ang naganap na karera noong Disyembre 1 sa katatapos na Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park.

Layun nito na mapangalagaan ang taya ng publiko at magkaroon ng pantay na paghahatol hindi para kampihan ang karerahan sa kabila ng pagkakamali.

Bagama’t hindi mabigat ang naging parusa sa Racing Manager at BOS ng San Lazaro Leisure Park, masaya na rin  si Mayor Abalos sa ibinigay na sentensiya sa MJCI ng komisyon matapos pagmultahin ng P50,000  nang mapatunayan na tama ang kanyang ipinaglaban.

“Ang mahalaga dito ang prinsipyo na  tama ang ipinaglaban mo, higit sa lahat nalinis ko ang pangalan ko sa hinalang ipinatalo ko si Hagdang Bato,” ani Abalos.

Ang BOS ay direktang sumusuweldo sa tatlong karerahan sa bansa na lubhang nagbibigay ng protection sa club hindi sa sa interes ng mga mananaya.

Si Hagdang Bato ay tinalo ni Pugad Lawin sa PSCO –Presidential Gold Cup na tumanggap ng P4-milyon premyo na pag-aari ni Konsehal Jun Ferrer.

Hanggang ngayon ay  dumaraan pa sa rehabilitation si Hagdang Bato dahil sa pagkakaroon nito ng trauma sa aksidenteng  naganap.

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Check Also

Megan Althea Obrero Paragua Chess Bajram Begaj

Pamangkin GM Mark Callano Paragua
WFM MEGAN ALTHEA, UNANG PINOY NA NAGWAGI SA WORLD CADET RAPID & BLITZ CHAMPIONSHIPS

MANILA — Iniangat ni Woman FIDE Master (WFM) Megan Althea Obrero Paragua ang World Cadet …

1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop …

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *