PATAY ang isang 58-anyos na tauhan ng Manila City Hall security force, matapos saksakin ng kanyang nakaalitan sa Ermita, Maynila, iniulat kahapon.
Binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Dominador Valdez, security force ng Boys Town, sanhi ng mga saksak sa katawan.
Nakapiit na sa Manila Police District PS-5, ang suspek na si Benjie Bago, 22, walang asawa, pedicab driver, walang permanenteng tirahan.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Jonathan Moreno ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 9:25 ng gabi nang maganap ang insidente sa Mehan Garden, Antonio Villegas St., Ermita.
(leonard basilio)