PORMAL nang nilagdaan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang appointment ni John Phillip “Sunny” Sevilla bilang bagong commissioner ng Bureau of Customs (BoC).
Si Sevilla ang kapalit ni Ruffy Biazon na nagbitiw matapos masangkot sa P1.9 pork barrel scam.
Si Sevilla ay dating Department of Finance (DoF) Undersecretary for the Corporate Affairs Group and Privatization.
Bago napunta sa DoF, nagsilbi bilang executive director ng investment bank na Goldman Sachs si Sevilla at humawak na rin ng iba’t ibang posisyon sa corporate sector. (L. BASILIO/
ROSE NOVENARO)