Friday , November 22 2024

6th Presidential Award, tinanggap ng SMI

NATANGGAP ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI) ang ikaanim na Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA) – Exploration Category sa pagpapakita ng namumukod-tanging antas ng dedikasyon, inisyatiba at inobasyon upang mas mapahusay ang pamamahala sa kapaligiran, kaligtasan at kalusugan gayondin sa pagpapaunlad ng komunidad.

Ayon kay SMI Executive Vice President Justin Hillier, buong pagpapakumbabang tinanggap nila ang pagkilala at ibinahagi ang Presidential Award sa mga lokal, rehiyonal at pambansang kasangkot sa Tampakan Project gayon din sa mahahalagang kabakas sa proyekto.

Ipinagkaloob sa SMI ang award sa 60th Annual National Mine Safety and Environment Conference na idinaos kamakailan sa Baguio City at inorganisa ng Philippine Mine Safety and Environment Association.

“This Award reminds us of the partnership we have with our stakeholders, and is a testament to the trust and support we have received from them. Importantly, we are committed to further nurturing this trust and support as we progress the Tampakan Project,” ayon kay Hillier.

Itinatag ang PMIEA sa pamamagitan ng  Executive Order No. 399 na inisyu noong 1997 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, para kilalanin ang mga namumukod-tanging kompanya sa bansa na nagtataguyod ng responsableng pagmimina lalo sa operasyong pangkapaligiran at panlipunan.

Unang tumanggap ang SMI ng PMIEA noong 2006 na nasundan ng apat na sunod noong 2009, 2010, 2011 at  2012.

Sa pagwawagi ngayon taon, apat na beses nang tumanggap ang  SMI ng Presidential Award sa ilalim ng pamahalaang Aquino.

“These awards once again affirm SMI and our shareholders’ unwavering commitment to develop the Tampakan Project to industry-leading practices and international standards for sustainability practices,” dagdag ni Hillier.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *