Tuesday , April 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boosters nananalo kahit kulang ang sandata

PAHIRAP nang pahirap ang sitwasyong dinaraanan ng Petron Blaze para mapanatiling malinis ang record nito sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup.

Aba’y mutik na silang masilat ng Alaska Milk noong Sabado pero nakakapit sila hanggang sa dulo upang mairehistro ang ikalimang sunod na tagumpay at manatiling tanging koponang hindi pa nakakatikim ng kabiguan sa torneo.

Bago ang panalong iyon ay pinahirapan din sila ng Barako Bull sa loob ng tatlong quarter.

Well, understandable naman kung bakit nahihirapan ang Boosters.

Ang dami kasi nilang manlalarong nasa injured list. Kabilang dito sina Alex Cabagnot, Chris Ross, Ronald Tubid at Yousef Taha.

Laban sa Barako Bull ay hindi rin nila nakasama si Chris Lutz.

Kung tutuusin, overachieving na nga ang  Boosters at si coach Gelacio Abanilla.

Kasi, puwede naman silang patawarin kung napagtatalo sila. Kulang sila sa armas, e.

Pero hindi nila ginagamit na excuse ang kakulangang iyon. Bagkus ay ginagamit ni Abanilla ang kawalan upang ma-challenge ang kanyang mga manlalaro.

At nailalabas naman ng mga tulad nina Paolo Hubalde, Jojo Duncil at Jason Deutchmann ang puwede nilang gawin.

Ang maganda dito’y mahahasa sila nang husto habang hinihintay ang pagbabalik ng mga premyadong kakampi.

Kung babalik ang mga ito, hindi naman sasama ang kanilang loob sakaling lumiit ang kanilang playing time o kaya’y mabangko silang muli.

Nagawa na nila ang kanilang magagawa.

Kaya naman sa puntong ito ay lalong pinangingilagan ang Boosters. Kasi nananalo sila ng kulang ang sandata.

Paano pa kaya kung kumpleto na sila?

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Philippine Rowing Association 2026 PRA Indoor Meet

Local rowers nagpakitang-gilas sa 2026 PRA Indoor Meet

MAYNILA, Pilipinas — Matapos ang dalawang araw ng matinding kompetisyon, pinarangalan ng Philippine Rowing Association …

Joanie Delgaco rowing

Pag-unlad ng rowing sa Pilipinas Ikinagagalak ni Joanie Delgaco

MAYNILA, Filipinas — Ipinahayag ng kauna-unahang Filipinang Olympic rower na si Joanie Delgaco ang kanyang …

ACC Track Para Track Championships Tagaytay Velodrome Cycling

Big Guns Namayani sa Tagaytay, Pinoy Riders, Todo Kayod

TAGAYTAY CITY — Umani ng atensyon ang mga top cyclist sa Asia matapos rumatsada ang …

PABA Rodolfo Boy Tingzon TOPS

PABA at PSC, Magtatayo ng Baseball Center

MALAPIT nang maisakatuparan ang isang inaasam na  “field of dreams” para sa Philippine baseball. “If …

Shark Billiards Association SBA Next Hadley Mariano George

Kinabukasan ng Bilyar sa Pilipinas: SBA Next at Opisyal na Network ng Pool Hub

OPISYAL na inilunsad ng Sharks Billiards Association (SBA) ang SBA Next, isang liga para sa …