Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lacson panibagong target nina Binay at Roxas

TIYAK na gigibain si Ping Lacson ng mga taong ayaw siyang bumango sa madla dahil ito ang magiging dahilan ng kanilang kabiguan sa 2016.

Ito ang siguradong magaganap dahil si Lacson ang kasalukuyang pinakamalaking balakid sa pangarap nina VP Jojo Binay at Mar Roxas na maging pangulo ng bansa.

Kung babasahin natin ang kaganapanan pulitikal sa estado, sina Binay at Roxas ang nag-aambisyong pumalit kay PNoy kaya’t kung magiging matagumpay itong si Lacson sa pagbabangon sa mga lugar na sinawata ni Yolanda ay tiyak na itong magiging strong contender sa presidential race sa 2016.

Bukod kasi sa kakaibang leadership style ni Lacson na siyang naging susi upang piliin siya ni PNoy na maging rehabilitation czar ay dala-dala rin nito ang pinakamabigat  na credentials na hinahanap ng tao sa kasalukuyan  at ito ay ang hindi nito pagiging kurakot .

Si Lacson kasi ang tanging senador na hindi tumanggap ng kanyang pork barrel noong ito ay miyembro pa lamang ng Senado dahil buo ang paniniwala ng mama na ang PDAP ay isa sa mga ugat ng pinagmumulan ng kurakutan sa gobyerno.

Maging noon siya’y pinuno ng PNP ay hindi rin ito na-involve sa anomang kurakutan sa pambansang pulisya at napuri pa nga ito dahil sa tahasang niyang kampanya laban sa krimen sa bansa.

Ito ang nakikita nating katangian ni Lacson na kanilang kinatatakutan dahil alam nilang determinado ang dating mambabatas na taga-Cavite na ibangon ang Kabisayaan.

At kapag nangyari ang “smooth sailing”na pagbangon ng mga sinalanta ni Yolanda ay tiyak na tapos na ang pangarap nina Binay at Roxas  sa 2016 dahil tiyak na tao na mismo ang bubuhat kay Ping patungo sa Malakanyang.

‘Yan ang mga scenario nating nakikita at tiyak namang magaganap dahil alam naman nating marami sa mga pulitiko sa ngayon ang utak talangka na hindi mahalaga sa kanila na makabangon ang bansa basta’t masunod lamang ang kanilang kapritso na maluklok sa pwesto .

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …