Viy at Kidlat endorser ng Malaysian biscuit

Viy Cortez Velasquez Cong TV Kidlat

MA at PA
ni Rommel Placente

OPISYAL na ipinakilala ang content creator na si Viy Cortez Velasquez at ang panganay na anak nila ni Cong TV na si Kidlat bilang brand ambassadors ng Morris Biscuits PH noong Sabado ng hapon sa Hotel Rizal Park.

Sa naganap na mediacon para sa mag-ina ay si Viy lang ang present. Wala si Kidlat dahil inuubo. Pero sinamahan si Viy ni Cong TV kaya join na rin ang sikat na content creator sa mediacon.

Ayon kay Viy,  bago nila tinanggap na maging brand ambassadors ng Morris Biscuits ay pinatikim muna nila kay Kidlat.

“Pina-try ko kay Kidlat, ’yummy, masarap? Tapos lagi niya nang ini-snack. Sinabi ko kay ma’am Dianne, sa manager, ‘Ma’am nagustuhan niya. Parang okey kaming mag-endoso.

“So, ganoon siya nagiging involve. Dapat siyempre, kinakain niya. Paano kaming gagawa ng video na kinakain niya kung hindi niya magugustuhan ‘yung lasa?” sabi ni Viy.

Kumusta naman sina Cong TV at Viy bilang mga magulang ni Kidlat?

Sagot ni Cong TV, “Ano.. good cop. Bad cop. Ganoon ang style namin ni Viy.

“Ako ‘yung bad. So, ako lagi ‘yung masama sa paningin ni Kidlat.

“So ako ‘yung tagapigil sa  kanya sa mga bagay na kapag alam kong sumosobra na siya.

“And si Viy ‘yung takbuhan niya.

“Pero minsan, nagkakabaligtad naman. Minsan ako naman ‘yung ganoon.

“Pero mas madalas ako lang ‘yung nandoon sa side na ‘yun, na ako ‘yung masama.”

Ayon kay Viy, hindi niya kaya kapag alam niyang pinagagalitan na ni Cong TV si Kidlat.

“Kapag iniiyakan niya ako, sasabihin ko sa kanya, na sasabihin ko na agad kay Daddy.

“Kasi si Daddy ang magsasabi na stop na. Ganyan, ganyan.”

Sa kayang Facebook account ay nag-post si Viy, na natutuwa siya na kinuha sila bilang endorsers ng Morris Biscuits.

Post niya, “Malaysian brand Morris Biscuit is finally here in the Philippines!

We’re beyond happy and grateful that our family has been chosen as their official endorsers!

What makes this partnership even more special is that we get to represent a brand that our whole family genuinely enjoys, especially our kids! Nothing makes us happier than being part of something we can enjoy and share together as a family.

Congratulations, Morris Biscuits! Here’s to a sweet and exciting journey together!”

Ang owner ng Morris Biscuits ay sina Patrick Ong at Lawrence Ng.