MA at PA
ni Rommel Placente
INAMIN ni Kim Chiu sa kanyang latest vlog na in-upload noong Linggo, na dumaranas siya ng mental health at humingi na rin siya ng medical help para matulungan siyang harapin ang epekto sa kanyang damdamin nang dahil sa alitan nila ng kanyang nakatatandang kapatid na si Lakam Chiu.
Sinabi rin ni Chinita Princess na nakararamdam na siya ng takot sa ibang tao kaya kinailangan muna niyang magpahinga at pansamantalang lumayo sa trabaho.
Sabi ni Kim, “So much happened in my life. I’ve been very emotional. ‘Yung mental state ko is not at the right place. I need to step back from work, and hindi ko talaga na-imagine na mangyayari talaga sa akin ito. Never in my wildest dreams na mangyayari sa akin ito.
“Natatakot lang ako sa mga tao, hindi ko alam kung bakit. Lagi lang ako nandito sa bahay kasi I’m really scared for my life. Takot talaga ako, and ayoko talaga magsalita sa mga nangyayari ngayon.
“And also, I’m doing therapy sessions, nag-seek na ako ng medical help, kasi hindi ko na kaya. For a person na sobrang rainbows and butterflies and sunshine, it’s different now,” dagdag pa niya.
Pinasalamatan ni Kim ang kanyang kapatid na sina JP at Twinkle Chiu gayundin ang mister nito, dahil sila ang nag-push sa kanya na ituloy ang kaso laban sa kapatid nilang si Lakam.
“Because this is not right,” diin ni Kim.
“This is so much money from the company itself. And this is just 124 counts of qualified theft from Jan to July 2025.”
