RATED R
ni Rommel Gonzales
PINURI ni JC Santos si Andrea Brillantes.
“Hindi na ako makapaghintay sa mga susunod niya pang mga project kasi I think she just keeps on growing and growing as an actress,” ani JC na magkapareha sila sa pelikulang Laya ni direk Sigrid Andrea Bernardo.
Base sa ipinakitang akting ni Andrea sa pelkula, ayon kay JC ay malayong-malayo pa ang mararating ng dalaga bilang aktres.
Ano ang unang reaksiyon ni JC noong ialok sa kanya ang pelikula?
“Yung first reaction ko? ‘Kaya ko ba ito?’
“Kasi si direk Sigrid ‘yung mga isinusulat niya ito ‘yung mga pangarap ng mga aktor na roles!
“Kasi ‘yung mga character ni direk Sigrid, complex, out-of-the-box. So sabi ko nga, ‘Ang suwerte ko naman kung talagang ako na ito!’
“So iyon medyo, iyon nga, nakuwestiyon ko ‘yung sarili ko kung kaya ko siya. So iyon.”
Ukol naman sa realization niya tungkol sa paghihiganti at pagpapatawad na siyang tema ng pelikula, sinabi ni JC na, “ipinakita ng pelikula namin na when you plot revenge, there will be regret every time. Naniniwala naman ako roon.”
Madali raw magpatawad si JC.
“For me I forgive easy, as a person.”
Mula sa Rein Entertainment, palabas ngayong November 25.
