Maria Elena Beauty & Essentials bagong brand na aabangan

Edmar Robles Maria Elena Beauty Essentials

SA patuloy na paglago ng industriya ng skincare at beauty products sa Pilipinas, isang bagong pangalan ang naghahandang magbigay ng sariwang pananaw sa mundo ng kagandahan sa taong 2027.

Ang Maria Elena Beauty & Essentials sa pangunguna ng CEO at Founder nitong si Edmar Robles, ay isang Filipino beauty brand na organic.

Layunin ng kompanya na maghatid ng mga produktong nakatuon sa kalidad, maingat na pagpili ng sangkap, at pagpapahalaga sa likas na kagandahan ng bawat indibidwal.

Habang patuloy na nagbabago ang pangangailangan at pamantayan ng mga mamimili sa skincare, mas nagiging mahalaga ang pagpili ng mga produktong may maayos na formulation at angkop sa pang-araw-araw na pangangalaga sa balat.

Dito nais magbigay ng sariling pagkakakilanlan ang Maria Ellena Beauty & Essentials.

Nakatuon ang konsepto ng kompanya sa organic at nature-inspired skincare, na naglalayong pagsamahin ang mga sangkap na nagmula sa kalikasan at makabagong kaalaman sa cosmetic formulation.

Para sa brand, ang tunay na kagandahan ay hindi lamang nasusukat sa panlabas na anyo. Makikita rin sa kompiyansa, pangangalaga sa sarili, at pagtanggap sa sariling likas na kagandahan.

Ayon kay Mr Robles, bumuo siya ng isang skincare brand na hindi lamang nakatuon sa pagbebenta kundi nais nilang makapaghatid ng pangmatagalang relasyon sa mga mamimili gayundin ang maayos at magandang kalidad ng kanilang produkto.

Sa kanyang pamumuno, nais niyang maipakita na ang isang Filipino-owned beauty brand ay may potensiyal na makipagsabayan sa patuloy na umuunlad na industriya ng skincare.

Ang kanyang bisyon ay nakasentro sa pagbuo ng isang kompanyang may pagpapahalaga sa integridad, inobasyon, at natural beauty.

“Ang tunay na kagandahan ay nagsisimula sa pagtanggap sa sarili. Sa tamang pangangalaga, mas lumalakas ang kompiyansa ng bawat tao na ipakita ang kanyang likas na ganda,” ani Mr Robles.

Nais isulong ng  Maria Elena Beauty & Essentials ang natural beauty. Ito ang pagpapahalaga sa likas na kagandahan ng bawat indibidwal at paghikayat sa mga mamimili na yakapin ang kanilang sariling skin journey; quality & innovation, pagsusulong ng makabagong skincare formulations na nakatuon sa kalidad, wastong pagpili ng sangkap, at pangangailangan ng mga mamimili; at confidence and self-care, pagbibigay-kahalagahan sa pangangalaga ng sarili bilang bahagi ng isang positibo at kompiyansang pamumuhay.

Sa pamamagitan ng mga prinsipyong ito, nais ng Maria Ellena Beauty & Essentials na makabuo ng isang matibay na pagkakakilanlan sa industriya ng skincare.

Ang pag-usbong ng Maria Ellena Beauty & Essentials ay sumasalamin sa patuloy na pagdami ng mga Pilipinong negosyanteng may ambisyong makapagtatag ng sariling beauty brands.