MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI nagustuhan ni Lea Salonga ang ginawa ng ilang turista sa Chocolate Hills nang bumisita ang mga ito sa Bohol.
Ini-repost ni Lea sa kanyang Instagram ang viral video ng mga turistang ginawang laro ang pagdura o nag-spitting contest sa pomosong geological formation sa Bohol.
CaptionngPinay international singer-actress nang i-repost nito ang nasabing reel, “Mga Baboy.”
Halatang-halata ang pagka-imbyerna nito sa ginawa ng mga turista.
Kung sabagay, maging ang iba nating kababayan ay hindi rin natuwa sa ginawa ng mga bumisitang turista at umaasang mabibigyan ng leksiyon ang mga ito ng ating gobyerno.
