I-FLEX
ni Jun Nardo
MIXED reactions yata ang review sa latest Dingdong Dantes at Marian Rivera movie na Remember.
Hindi yata masyadong nakatulong ang wig na gamit ni Yan sa movie, huh! Mas na-remember ng nakapanood ang wig kaysa kabuuan ng movie, huh!
Eh wala namang duda ang husay sa pag-arte ng mag-asawa. ‘Yun nga lang, may nababasa kami na wala sa kanila ang problema, huh!
Basta, mare-remember nina Dong at Yan ang pagtupad sa pangako ng ninang Governor Vilma Santos-Recto na manood sa premiere night despite her super hectic schedule!
