Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Testigo ni A1 tinodas sa tabi ng 3 anak

120813_FRONT

120613 A1 witnessPINATAY kahapon si Elena Miranda (babae sa larawan), ang prime witness sa pagpaslang kay Domingo “A1” Ramirez noong May0 26. Si Ramirez ay kilalang leader ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa Baseco na nakatakdang tumakbo sa halalang pambarangay nitong nakaraang Oktubre bago siya pinaslang. Humalili sa kanyang pagtakbo ang anak na si Aljon “A1” Ramirez (ang lalaki sa larawan), masugid din na sinuportahan ni Miranda. (BRIAN BILASANO)

“Anak may tama ako!”

Ito ang huling salita na binigkas ng isang 45-anyos ginang sa kanyang bunsong anak na babae nang barilin sa loob mismo ng kanilang bahay sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, iniulat kahapon.

Dead on the spot ang biktimang si Elena Miranda ng Block 5, Old Site, Baseco Compound, habang tinukoy  ang suspek na isang alyas Ruel, na mabilis tumakas matapos ang pamamaril.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcon ng Manila Police District Homicide Section, dakong 1:00 ng madaling-araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima na natutulog katabi ang tatlong anak.

Agad umanong bumunot ng hindi natukoy na kalibre ng baril ang suspek saka ipinutok na tumama sa kanang pisngi at kanang leeg ng biktima na agad niyang ikinamatay.

Ang biktima ay isa sa mga principal witness sa kaso ng pamamaslang kay Domingo “A1” Ramirez noong May 26.

Si A1 ay kilalang leader  ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) at nakatakdang tumakbo sa barangay election nitong nakaraang Oktubre pero hindi naisakatuparan dahil sa pagpatay sa kanya.

Sa halip, tumakbo ang anak ni A1 na si Aljon “A1” Ramirez ngunit tinalo ng incumbent/suspended barangay chairman  na si Cristo Hispano.

Ang BASECO ay isa sa mga lugar na iniulat na nagkaroon  ng talamak na vote buying nitong nakaraang eleksiyon.

ni leonard basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …