Pagbabalik ng FHM mas matapang ngayong Digital na    

FHM

ILULUNSAD muli ang FHM Philippines bilang digital-first, creator-first brand na makikita online at bahagi na ng PlayTime Entertainment. Ilalantad din ngayong araw ang unang limang “Feature Girls” at ipasisilip sa unang pagkakataon kung paano magpapatuloy ang FHM sa live online.

Alam naman natin na isa ang FHM sa mga sinusubaybayan ng mga kalalakihan noon. At ngayong online na, asahan pa rin ang mga usapang kanilang sinusundan. Hindi lamang basta itatampok ang mga kababaihan, magiging kapwa may akda na rin sila kung paano huhubugin ang kanilang nakikita, gamit ang kanilang mga sariling boses at pamamaraan.

Ang ganitong paraan ay para makipag-ugnayan sa henerasyong nagpapahalaga sa nilalaman gaya ng estilo at paano susunod ang tao kung sino sila hindi lamang sa kanilang kaanyuan.

Ang ipinagkaiba ng FHM na sa nakaimprentang magasin ay kung gaano kalayo ang mararating ng isang kwento. 

Ayon sa mga pag-aaral sa industriya, ang isang karaniwang naka-imprentang magasin ay mayroon lamang ilang mambabasa sa bawat kopya. Ipinakikita naman ng pananaliksik sa online sharing na sa bawat post na ibinabahagi sa publiko, may humigit-kumulang tatlo pang pribado sa pamamagitan ng mga chat at direct message. Sa mga digital platform at social channel ng FHM, ang bawat artikulo at sandali ng mga creator ay idinisenyo upang maipasa, mai-save, at mapag-usapan mula sa isang kaibigan tungo sa iba.

Ipakikilala sa relaunch na ito ang unang limang Feature Girls ng FHM na sina Faye Lorenzo, Liezel Lopez, Vanessa Peña, Analyn Barro, at Arra San Agustin. Wala sa kanilang mga kuwento ang nagmula sa pahina ng magasin. Ang dalawa ay natuklasan sa entablado ng talent-search; dalawa sa kanila ay sa mabilis at walang takot na mundo sa ensemble comedy at ang isa ay sa TikTok feed. Bawat isa ay may iba’t ibang tinahak na landas ngunit iisa ang kanilang natuklasan sa kanilang paglalakbay: naaalala ng mga tagasubaybay ang babaeng nananatiling tapat at totoo sa kanyang sarili.

Si Faye ay naghahatid ng katatawanan na may totoong puso. Bitbit ni Liezel ang katapangang hindi humihingi ng permiso. Si Vanessa naman ay nagbibigay kaluwagan sa babaeng bumuo ng sariling tagapanood. Dala-dala naman ni Analyn ang kompiyansa dulot ng ilang taong pagtatrabaho sa harap ng kamera pati ang lakas ng loob na gumanap sa kanyang kauna-unahang papel bilang leading lady. Si Arra ay may taglay na husay at ganda na hindi pilit. Iba-iba man ang kanilang enerhiya ngunit tugma naman ang kanilang mga instinct. Bawat isa sa kanila ay nagpasya kung sino siya bago pa man ito magawa ng iba.

Limang magkakaibang landas, iisa ang destinasyon. Darating na ang FHM Feature Girls, hindi bilang pagtatapos ng kani-kanilang kwento ngunit patunay kung gaano nila kahusay naisulat ang mga ito.

“Ang FHM ay para sa henerasyong tumutuklas, nagbabahagi, at nagpapasya para sa kanilang sarili. Sinasalamin ito ng limang kababaihan. Sila ay may talento, may tiwala sa sarili at totoo sa kanilang mga sarili at tiyak na ipapasa sila ng kanilang tagasubaybay sa isa’t isa,” ani Crisanto Roy Alcid, Pangulo ng PlayTime Entertainment.

“Ang FHM ay isang paraan ng PlayTime para makapaghatid ng entertainment sa ibang sektor ng lipunan. Ipinakikita ng limang kababaihang ito ano ang itsura nito sa kasalukuyan: may tiwala sa sarili, orihinal at ganap na may hawak sa kani-kanilang mga kuwento. Ipinagmamalaki namin ipakilala sila sa isang bagong henerasyon,” sabi naman ni Adela Mae Marshall, ang tagapagsalita ng PlayTime Entertainment.

Sundan ang pagbabalik ng FHM at kung gusto ninyo itong makita, i-like at i-follow ang FHM PHILIPPINES sa Facebook sa pamamagitan ng facebook.com/fhmofficialph at bisitahin ang playtime.ph/fhm para sa unang pasilip sa kung ano ang susunod.