PBB Calix nahubuan, sobrang nahiya sa nangyari

Calix Esguerra

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGING viral ang housemate ng PBB Collab Edition 3.0 na si Calix Esguerra, ang binansagang Rampanalo Apo ng Pampanga.

Nagkuwento kasi ito ng karanasan sa harapan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera tungkol sa naging task nila sa loob ng Bahay ni Kuya.

Aniya, ang pinagawa sa kanila ni Kuya ay gayahin ang post ni Dingdong sa pictorial nito para sa isang clothing brand.

Sa kanyang kuwento, mali ang suot niya na pang-ibaba na short, na dapat ay pants.

Agad siyang naghanap ng pants. At noong ibinababa niya na raw ang kanyang short, para isuot ang pants, ayun at sumilip si ‘manoy’.

Nagsigawan at nagtilian ang female housemates nang makiita ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa binata, sobra siyang nahihiya sa nangyari at hindi naman niya ‘yun sinasadya. Gusto niya raw kalimutan ang nangyaring ‘yun sa kanya.