HARD TALK
ni Pilar Mateo
BOSES pa rin ang taglay ng musikerong si Ronnie Liang sa mga binabagtas niyang daan sa buhay ngayon.
Bukod sa pag-alagwa sa ere bilang piloto, at pagiging isang reservist naman sa kalupaan, sinisiguro nitong naaabot ang mga taong nais na matulungan sa pamamagitan ng kanyang misyon.
Ang puso ng kanilang misyon.
“At the heart of our mission ay ang paniniwala na ang bawat bata, deserves a chance to smile with confidence. Kaya naman, each surgery brings families renewed hope and children a brighter tomorrow.
“Kami po ang saksi on how a single act of kindness can rewrite a child’s story, turning challenges into triumphs. At ang mga ngiting ito ang nagpapa-alala sa amin kung bakit kami nagpapatuloy—dahil bawat buhay na aming mahipo ay isang binagong kinabukasan.”
Ito nga ang misyon niya ngayon. Sa pamamagitan ng kanyang Ronnie Liang Project Ngiti Foundation, katuwang ang Smile Train PH, Marikina St. Vincent General Hospital, Inc., at San Fernandino Hospital Inc., nagbibigay sila ng libreng cleft and lip palate surgery sa mga bata at matanda sa buong bansa.
At binubuksan ni Ronnie at ng kanyang Foundation ito.
Sa mga gustong sumailalim sa libreng operasyon paki-pm sila kasama ang mga sumusunod na detalye.
1. Pangalan
2. Edad
3. Contact number
4. Address
5. Mga larawan na nagpapakita ng kalagqyan ng may cleft and lip palate.
At i-pm sa kanyang Facebook page. O sa mga ospital na nabanggit.
Bata man po o matanda ay pwedeng magpa-opera kahit anong age or edad, at libre po ito. Free Surgery, Laboratory Test, Confinement, Medicine, Speech Therapy, and Rhinoplasty.
At sigurado kakantahan pa kayo ni Ronnie ng kanyang latest Christmas song na Perfect Christmas na mapakikinggan na sa Spotify, iTunes, Apple Music at iba pang online music platforms worldwide. Kaya i-download at mag- stream na!
