HARD TALK
ni Pilar Mateo
NINAMNAM na maige ng bokalista ng Innervoices na si Patrick Marcelino ang hindi kinakaligtaang awitin tuwing sasapit ang Pasko na O, Holy Night.
Ang klasikong piyesa na kinamulatan ng awitin ng lahat sa pangangaroling tuwing sasapit ang Kapanganakan ni Hesus.
Nag-release ng bagong version nila ng nasabing awiting Pamasko ang banda na dinagdagan ng mga bagong liriko ni Atty. Rey Bergado, na manager ng grupo.
Inareglo ito ni Edward Mitra na kasama rin ng banda sa kanilang mga gig na lalo pang nagpaigting sa mensaheng tatatak ngayon sa makikinig ng kanilang bersiyon.
Their media friends had the first na marinig ang kanilang awitin sa Noctos Music Bar and Restaurant sa pagtatanghal nila kasama si Lloyd Umali, na kinikilala naman as the Michael Bolton of the Philippines.
Kahit pa nabawasan na ang gigs ng Innervoices per se, nagkaroon naman ng Marcell niya si Patrick. Na buo rin ang suporta ng buong grupo sa kanyang mga ginagawa.
Kahit pa man maging abala na sila sa mga trabaho ng ilan na kanila sa pagiging musikero, gagawa at makagagawa sila ng paraan at makapagbibigay ng panahon para manaka-naka itong masalangan.
That is one way para kumbaga, hindi mawala ang magic na nagjng taglay na ng Innervoices ni Atty. Rey. Dahil may iba na ring naging marka ang banda nang sumalang na si Patrick.
Siyempre, hindi dapat makalimutan ang mga orihinal na piyesang pina-ingay na nila sa sari-saring music platforms. Ang Saksi ang mga Tala, Sayaw sa Ilalim ng Buwan, Shadows, I Will Wait for You in the Rain, THAL, at ang naunang awiting Pamasko nilang Pasko sa Ating Puso.
Oktubre pa lang, pinaingay na ang kataimtiman ng O Holy Night, the Innervoices style!
