Sarap ng Maliputo, ganda ng Wawa Baywalk: Yaman at pasyal na ipinagmamalaki ng Batangas!

Batangas Enchanted Forest Halloween Trick or Treat

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NALULA kami sa dami ng mga batang nakiisa sa pa-trick or treat ng Big Ben Complex na may temang Enchanted Forest Halloween Trick or Treat na ginanap sa Big Ben Complex noong October 31, 2026, 8;00 a.m..

Mahigit 1,000 bata ang nakiisa kasama ang kani-kanilang mga magulang suot ang iba’t ibang klase ng costume na may kaugnayan sa enchanted forest.

Ayon kay Joel Umali Pena, CEO ng Big Ben Complex, mahigit 10 taon nang ginagawa ng kanilang pamilya ang Halloween Trick or Treat. 

“Masaya kami kapag maraming bata ang nasisiyahan sa taunang trick or treat namin.

“Taon-taon talaga naming ginagawa ito at each year padagdag nang padagdag ang bilang ng mga batang nakikiisa. Happy Halloween sa lahat,” ani Joel.

Bukod sa pamamahagi ng napakaraming candies at chocolates, nagkaroon din ng pagpili ng Best In Costume na 10 muna ang napili at pito sa kanila ang nabigyan ng consolation prizes. Mula sa sampu, pinili ang Top 3. Ang  Best in Costume ay nagkamit ng P5,000 cash plus Goodies and Toys from Big Ben, Gift Packs from Yakult, at 4 Tickets to Enchanted Kingdom. Ang 1st runner-up ay binigyan ng P3,000 cash, Goodies and Toys from Big Ben, Gift Packs from Yakult, at 4 Tickets to J Castle; at ang 2nd runner- up ay P2,000 cash, Goodies and Toys from Big Ben, at 4 Tickets to Fiesta Adventure Park. 

Naging hurado sina Willy Ong, negosyante; Carina Martinez, event coordinator, at ang inyong lingkod.

Kitang-kita ang kasiyahan sa mga batang dumalo na hindi magkamayaw sa pagkuha ng kani-kanilang candies/goodies mula mimo sa Big Ben at sa mga negosyo o establishment sa complex.

Samantala, muli kaming nagkaroon ng pagkakataong malibot ang iba’t ibang magagandang lugar sa Batangas kaugnay ng All Here .So Near. Tourism campaign.

Una naming napuntahan ang sinasabing may pinakamasarap na halo-halo sa Batangas, ang D’ Original Cheding’s Halo-Halo sa Padre Garcia na sa halagang P90, matitikman mo na ang masarap nilang malamig na panghimagas. Outstanding ang saging sa mga sangkap ng kanilang halo-halo dahil sa maligat nitong lasa na nakadagdag sarap. Tiyak na ang saging ang pinaka-espesyal nilang sangkap.

Kung mahilig naman kayo sa pizza at pasta, sa Antonino’s Pizzeria sa Barangay Mataas na Lupa, Lipa City ang maaaring puntahan na tiyak papasa rin sa panlasa ng mga mahihilig sa Italian cuisine. Isa sa binabalik-balikan namin dito ay ang Tarragon tea (a soothing, caffeine-free herbal infusion made from the leaves of the tarragon plant (Artemisia dracunculus or related varieties). It has a mild, sweet, and aromatic flavor with subtle notes of anise or licorice.)

Namangha naman kami nang makita at magtungo sa Wawa Baywalk sa Barangay Wawa, Tanauan, dahil sa ganda ng sunset habang  pinagmamasdan ang karagatan. Hangad naming maayos at mapaganda pa iyon ng Tanauan city government dahil malaking potensiyal iyon para sa turismo. 

Malapit din sa Wawa ang J Castle na maramingmakikita. Ito angPhilippines’ first and largest 30-acre “phygital” (physical + digital) immersive theme park. Na pagdating ng 7:00 p.m. ay lalo pang gumaganda ang castle dahil sa fireworks at  lightshow. 

At kapag nagutom, hindi problema ang kainan dahil kung hindi type ang mga pagkain sa loob ng castle, maraming food hub sa labas. Naalala nga namin ang Boracay sa lugar na iyon sa Wawa Boardwalk dahil ganoon ang hitsura ng mga kainan sa harap sa Bora beach.

Hindi naman namin nasubukan kumain doon bagama’t napansin namin ang maraming tao sa ilang establisment. Looking forward kasi kami sa Milan’s Native Food and Grill sa Talisay dahil sa Malipoto nila. Ang Malipoto ayisang bihira at mahalagang freshwater fish (Caranx ignobilis, karaniwang kilala bilang giant trevally) na katutubo sa Taal Lake sa Batangas. Ang Milan’s Native Food and Grill ay 15 taon nang nagse-serve ng traditional Batangueño at Filipino dishes tulad ng Lomi Batangas, Crispy Tawilis, at Sinigang na Maliputo.

Hindi pa roon natapos ang aming pasyal, dahil nagkasundo kaming magkape sa Ablo’s Cafe and Bakehouse sa San Carlos Road, Lipa City na tinikman namin ang napakasarap nilang kape  siyempre at pastries. Inorder namin ang Pistachio Cheesecake na super sarap at hindi pahuhuli sa mga cheesecake na natikman na namin sa Manila. 

Kulang ang isang araw na pasyal sa Batangas na bagamat bitin ang oras sa paglibot, nasiyahan kami at looking forward sa mga susunod pang pupuntahan para sa All Here. So Near ng Tourism Batangas at Eat Pray Love Lipa naman ng Tourism Lipa.