RATED R
ni Rommel Gonzales
HINDI kami takot sa gagamba… noon!
Pero matapos namin mapanood ang pelikulang Crawlers, takot na yata kami sa gagamba.
Mula sa CreaZion Studios ang pelikula na pinagbibidahan ni Matilda Lutz who reminds us of a young Sharon Stone.
Yes, si Sharon ang kontrobersiyal na Hollywood actress na pinag-usapan sa 1992 film na Basic Instinct dahil sa eksena sa loob ng presinto na nag-cross legs siya na walang suot na underwear!
Going back to the Crawlers, maayos ang pagkakabuo ng pelikula, mula sa istorya, sa execution, sa acting ng mga artista hanggang sa mga special effect na magdudulot ng matinding takot, gulat, at pandidiri na bagay na bagay dahil kasali ang pelikula sa Sine Sindak: The 7th Cycle.
Directed by Ángel Gómez Hernández, palabas na ngayon ang makapigil-hiningang Crawlers exclusively sa lahat ng SM cinemas nationwide.
