HARD TALK
ni Pilar Mateo
SA isang banda naman, ang kaibigan naming cinematographer na naging assistant director na rin at director na si Rain Yamson ay gumawa na rin ng kanyang dula. Tatlong istorya. Ang Anino: Tatlong Dula ng Lihim, Takot at Pamana,–
Sinalikway, Aswang sa Bundok, at Watawat ang mapapanood sa Ilviso Studios sa Makati sa Oktubre 30 at 31, 2026.
Dadamahin mo ang pinanood mo na tila ba kasama ka sa paglalakbay sa panahon, lugar at oras na ginalawan nila.
Kauna-unahang theater production ito ng Ilviso.
Tatlong sari-saring istorya ang idinirehe ni Rain.
Matutunghayan sina Kurt Deseo, Christian Paulo Lat, Ela Anghela, Fiona Heaggans, at Marky Miranda, Dane Afuang, at Syrel Navarro sa Sinalikway.
Sa Aswang sa Bundok naman sina Marcus Asis, Hiro Shimoji, Mose de Leon, Rael Navato, at Bojo Boom.
Rated R-18 ang Watawat tampok sina Sherrymae Valenzuela, Juana Paulina, Riel Geli, kasama pa rin si Marky, Ela, at Fiona.
Akma sa Halloween. Damhin ang mga istoryang magpapalukso sa puso, makapagpapapigil hininga kasabay ng pagpapaluha at pagpapa-antig sa damdamin.
