“I HEART PH” Season 11, magsisimula na sa October 25 sa GTV

Valerie Tan I Heart PH GTV

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Ang “I Heart PH” at Hong Kong Tourism Board (HKTB) ay muling maghahatid ng bagong saya at adventure sa kanilang Season 11. Host dito ang multi-awarded na si Valerie Tan.

Ang I HEART PH ay katuwang ang Hong Kong Tourism Board (HKTB), upang ipakita ang Hong Kong bilang isang masiglang lungsod na  nagsasama-sama ang kasaysayan, sining, at modernong pamumuhay sa isang hindi malilimutang karanasan. Dadalhin ka ng award-winning lifestyle and travel show sa mga tanawin at hiwaga ng Hong Kong na mag-eengganyo sa bawat manonood na pumunta agad doon.

Ipinahayag ni Ms. Chian Jia Liew, Regional Director para sa Southeast Asia ng Hong Kong Tourism Board, ang kanyang kagalakan sa pagbabalik ng I HEART PH as Asia’s World City.

“We are delighted to partner with I Heart PH once again to showcase the many experiences that can be found only in Hong Kong,” aniya.

Hatid ng I Heart PH ang limang destinasyon at karanasan na nangangako nang ‘di-malilimutang paglalakbay na puno ng kultura, aliwan, pagtuklas, at masasarap na pagkakataon sa panlasa.

First Stop: Ipinagmamalaki ng The Hong Kong Palace Museum ang mga modernong galerya at mga bihirang koleksiyon ng mga artifact, seramika, pintura, at iba pang katangi-tanging kayamanan na nagsasalaysay ng mga dinastiya at tradisyong pansining ng Tsina.

Second Stop: Makipag-ugnayan nang malapitan sa mga bituin sa Madame Tussauds Hong Kong.

Third Stop: Ang Ma Wan 1868. Pinagsasama ng makasaysayang nayon ng mga mangingisdang ito ang pamanang pangkasaysayan, mga malikhaing espasyo, lokal na kainan, at magandang baybayin—na nagbibigay ng nakakapreskong pagtatakas mula sa mataong mga lansangan ng lungsod.

Fourth Stop: Ang Ding Ding Foodie Tour.

Fifth Stop: Hong Kong Disneyland.

Patuloy na ibinabahagi ng I Heart PH ang mga nakakaaliw na kuwento – tampok dito at sa ibang bansa, na inilalabas ang mga latest trends sa fashion, beauty, lifestyle, food, and travel, with a uniquely Filipino perspective.

Produced ng TV8 Media Productions, magbabalik ang I Heart PH para sa bagong season sa October 25, Linggo, ganap na 11:30 ng umaga sa GTV.

-30-