HARD TALK
ni Pilar Mateo
KAPAG Asian trips ang pag-uusapang puntahan, HongKong agad ang nangunguna sa listahan.
Una kong tapak sa HK, courtesy of the original Bad Boy of Philippine Movies na si Ace Vergel at ang kasama ko sa trip was his wife (ex na now) na si Maya dela Cuesta. Nakita pa namin doon si Maria Isabel Lopez na nagsu-shoot sa production of Run Run Shaw. At ipinasyal kami sa Universal Studios.
Ang dami ng sumunod na Hongkong trips.
Nang mag-shoot doon ng Magic To Win na nilagyan ng bagong titulo na Happy Ghost ng anak ni Pangulong Corazon Aquino na si Kris Aquino–kasama ako sa presscor niya para i-cover siya at ang leading man niyang si Raymond Wong.
Bakasyon. Pictorial ng Guwapings (Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso and Jomari Yllana) with Tito Douglas Quijano.
Kasal nina Rustom Padilla at Carmina Villarroel.
Kasal nina Pia at Francis Magalona.
And innumerable personal trips. Solo man o may kasama. Always a delight.
Unforgettable talaga ang Fragrant Harbor. And each time na i-visit mo, marami kang bitbit na memories.
Kaya naman masasabing kaabang-abang ang ihahatid na Season 11 ng I Heart PH na hino-host ni Valerie Tan sa TV8 Media Productions na mapapanood sa GTV simula sa Linggo, Oktubre 25, 2026 (Linggo) 11:30 a.m..
Sa rami na ng pagkakataong magalugad ni Valerie ang Hongkong, lumilitaw pa rin ang sari-saring adventures. At mas marami siyang naibahagi na talaga namang ‘di pa gaanong napupuntahan ng mga turista at travelers sa naturang lugar.
Katulong ang Hong Kong Tourism Board (HKTB) ay ipagmamalaki nila ang marami pang mga lungga sa nasabing siyudad na makikita ang kanilang heritage, creativity, at modern lifestyle.
Asia’s World City. ‘Yan na ang taguri sa HK.
At ayon nga sa Regional Director nito for Southeast Asia na si Ms. Chian Jia Liew, muli na naman siyang na-excite sa pagbisita ng nasabing programa sa kanilang bansa.
Rito nga makikita ang dynamic contrast ng East and West.
At kung may maaanyayahan nga si Vivian na maging panauhin at ka-collab niya sa muling pagtapak sa mga iba pang mga bansang nakalinyang bisitahin niya, si Kris Aquino ang napili niya.
“She’s very smart. So, you know that there are many things she can share with you. Very intelligent. And I love the way she hosts or handles her shows.”
Sa huling bisita niya sa HK, naaliw at kinilig si Valerie nang tumapak sa Madam Tussaud’s Wax Museum at makita ang mga gaya nina Kathryn Bernardo, Pia Wurtzbach, Manny Pacquio at Anne Curtis sa kanilang mga true-to-life statues na kahit ang mga banyaga ay nabibighani.
Isa sa mga must see na napuntahan ni Valerie at matutunghayan sa kanyang programa ay ang napakalaking Filipino restaurant na Dara at ang G.O.D. (Gods of Desires) selling stylish accessories and home decors. At naikot din niya ang Old Town Central.
Sa mga mapapanood sa episode sa October 25, maeengganyo ka na namang pasyalan ang Fragrant Harbor dahil sa mga bago pang makikita sa iba’t ibang sulok nito.
Sa kanyang paraan, Pinoy pa ring ipinararating ni Valerie ang kanyang feature sa nasabing bansa.
