3 menor de edad minolestiya ng pastor sa loob ng simbahan

Dead Rape

NASAKOTE ang isang 51-anyos pastor na inakusahang nang-abuso sa tatlong menor de edad na babae sa loob mismo ng kanilang simbahan sa Marikina City, sa isinagawang operasyon sa Baras, Rizal, noong Miyerkoles.

Sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng Marikina City Family Court Branch 7 nitong 8 Oktubre 2026, dinakip ang akusadong head pastor sa tapat ng isang clubhouse sa Baras, Rizal kaugnay sa reklamo ng 8, 9, at 15 anyos na pawang babae.

Naganap ang sinabing pang-aabuso sa mga miyembro ng simbahan noong 2023 hanggang 2024, na inireklamo lamang nitong Abril 2026.

                Ayon sa ulat, sinabi ni Marikina City Police chief, PCol. Jenny Tecson, hindi lamang isang beses nangyari ang pangmomolestiya sa mga biktima, kung hindi apat na beses at sa mismong simbahan nila naganap, pagkatapos ng preaching, batay sa rekord ng reklamo.

Nahaharap ang akusadong pastor sa apat na bilang ng kasong statutory acts of lasciviousness, rekomendado ng P432,000 piyansa.