John “Sweet” Lapus nagbalik-tanaw kung paanong napunta sa teatro

John Sweet Lapus Puregold Teatro Panalo Festival

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAGSIMULA ang love niya for the arts noong first year college sa UST. 1993.

May yellow booklet kasi noon na sasagutan ng estudyante kung saang grupo niya nais mapabilang.

“Salinggawi ba? ‘Di naman ako magaling sumayaw. UST singers. Nakakanta, oo. Pero hindi rin. Sa last page-Teatro Tomasino! Fill up ng application form.

“Hanggang noong mag-fourth year ako, naging Secretary na ako ng Teatro Tomasino.  After college, naging adviser na ako ng Teatro Tomasino for 23 years.

“I can say doon nanggaling ang love ko for the arts. So, pagka-graduate ko, ang mga ate ko na nauna sa akin—Roxy Liquigan, Lui Andrada, direk Wenn Deramas ini-recommend na ako sa ABS-CBN. Hotel and Restaurant Management ang course ko.

“That time, si Deo Endrinal nagpapahanap  at nagpatawag ng mga researcher, segment producer at ang gusto niya mga galing sa Teatro Tomasino. So, ‘yun ang ginawa ko sa ‘Showbiz Lingo’ which you were a part of Kinakapatid.

“Tuloy-tuloy na ‘yun. Nag-Dulaang UP pa ako while doing TV and eventually movies. Hanggang natuloy na. Sabi nga ni Euge (Eugene Domingo) sa ‘Septic Tank’ ito ang gusto niyang balikan. 

“I did a musical, ‘yung ‘Delia D.’ First ko ‘yun and I got nominated sa Gawad Buhay. 

“Kaya natutuwa ako ngayon na mayroong ganito. Ang ‘Teatro Panalo’ ng Puregold. So, sumali ako. Itong ‘True to Life’ ang entry ko. 

“Continuation niyong aking Virgin Labfest na ‘Taksyapo.’ ‘Yung process of moving on. Through healing. Doon iniwan siya ng boyfriend niya. Nag-drive sa Tarlac. Doon nag-taksyapo. That same day iniwan siya ng boyfriend niya. (Ang ‘Taksyapo’ ay isang ekspresyong Kapampangan na ginagamit upang ilabas ang galit, pagkadesmaya, o pagkainis; kilala ito dahil sa “Tacsiyapo Wall”—mga pasilidad na idinisenyo para sa pagpapagaan ng stress—na matatagpuan sa Isdaan Floating Restaurant.)

“So, rito sa ‘True to Life’ there is that one friend na kailangan mo for your mental healing.”

Si John “Sweet” Lapus ‘yan. Na isa sa 12  finalists sa nasabing theater festival na matutunghayan sa Pebrero hanggang Marso sa 2027 sa Maybank Theater in BGC.

Si Sweet ang nagsulat. Dalawang direktor ang nasa isip niya. Pero kung walang umubra eh, siya pa rin ang gagawa. 

Gusto pa rin niya si Christian Bables.  Pero he is also eyeing Chamyto Aguedanna lumabas sa nasabing role sa isang gabing kinuha sila ng Pioneer Insurance. Na nakasama niya sa Daddy’s Gurl.

‘Di na raw niya aasamin na akuin ang role.

“At 53, ‘di ko na kaya, 20 years ago ‘yun.” 

Very excited ang Puregold Teatro Panalo Festival Chair na si Ivy Hayagan-Piedad sa napili mula sa 373 submitted scripts nationwide.

Simula pa lang ito. Tatanggap ng tig-P100K ang bawat finalist mula sa festival organizer na Wishbone Collective Inc..

At hindi mawawala ang katuwang ng Puregold sa ganitong mga pagkakataon ang nagtagumpay naman sa idinaos niyang Cine Panalo na si Chris Cahilig.

Mas marami pang kwento ang matutunghayan sa teatro!