Machong Chismisan tsinugi na ng Pod Network

Machong Chismisan

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGLABASAN ang mapanakit na salita at pahayag sa isa sa hosts ng podcast na Machong Chismisan dahil sa “walang kuwenta” na sinabi kay Joshua Aquino, panganay ni Kris Aquino.

Eh special child ba naman ang sabihan ng salitang ‘yan na walang kalaban-laban para gumanti!

As of this writing, sinibak na ng Pod Network ang Machong Chismisan sa kanilang network.

Eh masama na nga ang malait, what more kung special child pa ang lalaitin sa isang podcast? Makakatikim ka talaga ng non-stop na batikos!

Magsilbing warning ito sa content creators na para lang sa engagement eh gagawin ang lahat kahit makasakit ng tao!