TRENDING ang balitang pangungutya ng mga host ng isang video podcast, ang Maching Chismisan sa anak ni Kris Aquino na si Joshua. Naging sentro kasi ng usapan ng mga ito si Josh. Ikinompara si Josh sa kapatid nitong si Bimby at ang pagtawag na “walang kwenta.”
Isa si Boy Abunda sa nagalit at hindi nakapagpigil nang mabalitaang ginawang katatawanan ang panganay ni Kris.
Marami ring netizens ang nagalit sa naturang video.
“Si Bimby sobrang OK na anak. Si Josh walang kwenta eh,” ang sabi ng nakilalang si Tito P.
May isa ring nagsabi na ang baon daw kada araw ni Joshua ay P3,000 na sinundan uli ni Tito P ng komentong, “Tapos nakatunganga lang siya.”
Marami ang bumatikos sa mga host nito sa kanilang mga pinagsasabi sa panganay ni Kris at isa na nga sa hindi nakapagpigil na maglabas ng saloobin ang King of Talk.
“This is very difficult for me, mga kaibigan. Nakagagalit. Ang dami-dami ko pong katanungan,” panimula ni Kuya Boy.
“I was watching the clip. I will admit, I didn’t watch the whole show but I will watch it after our show. Habang pinanonood ko po ang clip na ito, hindi ko alam how these bunch of podcasters na mukhang matatalino, edukado, ay magagawa ang ganitong ka-cruel na komentaryo.”
Sa podcast ay pinagkompara pa sina Josh at Bimb.
“Alam n’yo po ang masakit ay ang ‘yung he was being compared to Bimb. ‘Nakatunganga lamang’, ‘walang kwenta’, and you are talking about a young man with disability. You’re talking about a special boy,” tila nagpipigil sa kanyang galit na si Kuya Boy.
“Mahal na mahal po si Josh ng pamilya Aquino. Mahal na mahal si Josh ni Kris. Mahal na mahal si Josh ng dating pangulo, ni former president Noy Aquino,” anang host.
“Bimb was in charge of coordinating with the nurses. He was on top if things that is happening in there. Alam n’yo po ba si Josh kung ano ang trabaho o assignment? Sa bawat simula ng araw, he would gather everyone in the house and he would lead the prayer.
“Hindi po walang silbi si Josh. Mali po ang inyong ginawa. Labag sa batas ng Diyos at batas ng tao ang inyong ginawa. Napakasakit. Napakasakit hindi lamang sa pamilya [Aquino] pero para sa lahat ng mga pamilya, ng mga bata, ng mga magulang na may kapansanan, na may disability ang mga anak,” emosyonal na sabi pa ni Kuya Boy.
At dito na pinayuhan ni Kuya Boy si Kris na gumawa ng legal na hakbang laban sa mga kumutya kay Josh.
“Ako, if Kris will ask me, we haven’t had a chance to speak about it but I would tell her, ‘Go to court! Idemanda mo! Dahil labag ito sa batas,” giit ni Boy.
“Labag sa batas ang ginawa ng mga podcaster na ito. Machong Chismisan, congratulations! You got the attention of everybody,” sambit pa ni Kuya Boy.
Sa huli, isang mensahe ang ipinaabot ni Kuya Boy kay Josh. Aniya, “I love you, Josh. I saw him grow up. He’s a fine, young man. He’s a good boy.” (MValdez)
