Gelli emosyonal, iginiit walang kinakampihan 

Gelli de Belen Wala Pa Kaming Title

MATABIL
ni John Fontanilla

BINIGYANG-LINAW ng aktres na si Gelli de Belen ang naging unang pahayag niya ukol sa isyu nina Jennylyn Mercado,  Dennis Trillo, at Patrick Garcia. 

Mariing pinabulaanan ng aktres na may kinampihan siya sa naging tugon niya sa nasabing usapin. Kapakanan ng mga bata ang isinaalang-alang niya.

Sa episode ng vlog na Wala Pa Kaming Title nitong Linggo, Oktubre 11, nilinaw ni Gelli ang kanyang mga naging pahayag nang maging panauhin siya sa Chika Cart upang i-promote ang pelikulang Mantsa.

Ayon kay Gelli, ibinatay niya ang kanyang mga komento sa panayam at sa mga naging reaksiyon ng publiko lalo na sa matitindi at kung minsan ay mararahas na reaksiyon ng mga netizen sa online platforms.

Giit ni Gelli, wala siyang kinakampihan kundi nag-focus lamang siya sa mga bata dahil ang mga ito ang higit na naaapektuhan sa issue ng mga magulang.

“Wala po akong kinakampihan or kinampihan at that time. And even at this point in time, feeling ko wala namang masama na maging concern tayo sa magiging effect nito sa mga bata,” wika ni Gelli.

“Mind you, hindi naman po talaga ako kasali roon sa issue,” sabi ni Gelli. “Nagkataon lang na may ipino-promote ako, ‘yun ang issue and sinagot ko po at ang pinaka-focus ko lang talaga is the children, bilang ina,” sabi pa ng aktres.

Nilinaw din niya na wala siyang ill-feelings towards anybody at dito ay naging emosyonal na ang aktres.

“’Yun ang pinaka-goal ko lang. I do not have ill will towards anybody. I know I meant well. ‘Yun lang ang focus ko. I just wanted…,” ani Gelli na naiiyak na.

Mabilis namang sinalo ni Janice de Belen ang kapatid at saka nagbigay ng pahayag. Aniya, ang mga matatanda y kayang pangalagaan ang sarili kaya ang mga bata tala ang  focus si Gelli.

Pero imbes na makatulong ay lalong uminit ang isyu at na-imbiyerna muli ang netizens. 

Ilan sa naging reaksiyon ng netizens sapahayag ni Gelli ang:

“Concern kay Aura hindi concern kay Jaz wag kami Jelly fish. 😂“

“You’re not taking sides. Yun ang sabi mo pero yun ang nagawa mo. Just be mum na lang wag ka na magpa english kay ate para wag na humaba issue sa side mo.”

“Kung sa Ako sa yo stop na 😌”