I-FLEX
ni Jun Nardo
MAKULAY at ang ganda ng ambiance sa ipinakitang trailer ng GMA movie na Amir.
Eh paborito talaga ng GMA ang director na si Zig Dulay na gumawa ng movie.
Of course, may batang artista pa ring bahagi ng Amir at ang It’s Showtime discovery na si Argus Aspiras ang kasangga ni Dennis Trillo sa movie.
Ilang taong nang pawang box office ang naging entry ng GMA Pictures kaya naman with same formula but with a surprising plot, hindi na kataka-takang magtagumpay muli ito sa takilya!
