AMININ man o hindi
ni Secretary Cesar
Purisima, may kinalaman
siya sa
biglang bibitiw nang
kanyang katunggali
na si Commissioner
Ruffy Biazon.
Sa pananaw ng
mga reporter na
kumokober sa waterfront,
binitiwan na sa wakas si Biazon ng
Malacañang, ni Pinoy sa madaling sabi.
Mahirap din kalabanin si Purisima na isang
economist at pinuno ng ‘think tank’ ni Pinoy at
bukod dito may international stature si Purisima
na official loan hunter sa abroad.
Biazon has won the battles, but Purisima
won the war. “Kaya ko si Biazon.” At ang nakatatawa
rito hindi suntok na nagmula sa customs
kung hindi doon mismo sa D0J, sa corner
ni Secretary de Lima. Isinabit si Biazon sa isang
pork scam daw na umano nangyari noong 2007
something. Isipin na lang na peanuts lang ang
sinabitan niya, P1.9 million ‘kickback.’ Masyadong
penny kung totoo man ito.
Kaya nga hinalang-hinala si Biazon na ang
kanyang pangalan was smuggled into the second
batch of politicians, former and current, sa
pork barrel scam na isinasangkot si Janet Napoles
bilang mastermind. Pero, as expected pinabulaanan
ito ni De Lima.
How his name was smuggled into the second
batch of alleged pork barrel scammers is
what Biazon has to uncover. S’yempre the finger
of suspicion is on Purisima na may hidwaan
kay Biazon. Isa sa mga reklamo noon ilang buwan
kay Pinoy, si Purisima ay nagsumbong na
binabalewala ni Biazon ang kanyang kautusan.
Kaya naman wholesale ang ginawang pagsibak
sa matataas na opisyales ng Bureau.
Ang nangyari sa marami sa mga dinala sa D0F
sa utos na Purisima ay mga performer, competent
and hardworking. Nai-sacrifice sila para patunayan
ni Purisima na he is thje big boss of Biazon. Kahit
pa malapit na kaibigan ni Pinoy si Ruffy.
Sa totoo lang sa tenor ng acceptance ni
Pinoy doon sa resignation latter, halos hindi na
pinuri si Biazon kung sino man ang nag-draft
nito (resignation letter).
Pinoy let go of Biazon na walang leverage
dapat siyang hindi bayaang sumibat. Bagsak ang
kanyang collection, zero conviction ng smuggling
accused, zero din sa mga personnel na
sabit sa corruption. Kaya lang impressive si Biazon
sa kanyang mga media interview, full of
rhetorics.
Ukol naman sa kinikimkim niyang sama ng
loob dahil sa pagdawit sa kanya sa pork barrel
scam, ganyan talaga sa gobyerno.Hindi issue
ang iyong good governance kung hindi gaano
ka kalakas magsipsip sa bossing sa palasyo.
Ituring mo na lang na isang masamang panaginip
ang iyong paglisan sa Bureau. Tingnan
natin kung ano ang magiging performance ng
iyong successor. Palagay natin panahon na para
maglagay ng isang competent, isang lawyer na
may background sa customs operations, administration
at hindi iyong takot humarap sa kanyang
mga collector at ibang front liners.
Dapat hindi lang malakas sa president kahit
square peg in a round hole ito. Huwag ituring ng
Malacañang na political reward ang customs.
Palabigasan sa tuwing sasapit ang election.
Arnold Atadero